Home>Editorial>Opinion>Helpline to protect frontliners

Helpline to protect frontliners

TULUY-TULOY ang ipinapakitang malasakit at pagmamahal ng Filipino-Indian Commerce and Welfare Society Incorporation (FICWSI) hindi lamang sa mga kababayan nating higit na nangangailangan kung hindi maging sa ating mga frontliners.

Isa na sa hindi pinababayaan ng FICWSI sa pangunguna ng kanilang Presidente na si James Kumar ay ang hanay ng Philippine National Police.

Sa pamamagitan ng programa ng grupo na ‘Helpline to Protect the Frontliners’, ang bawat miyembro ng PNP ay nakatanggap ng coppermask mula sa libu-libong pirasong donasyon ni Kumar.

Sa gitna ito ng paniniguro na ligtas ang mga pulis na buong pusong nagbabantay sa kaligtasan at kapayapaan ng bansa.

Let’s volt in and help protect the frontliners,” pahayag ni Kumar na nagtungo sa Camp Crame upang mamahagi ng coppermasks sa mga pulis kasama ang kanyang asawang si Bianca.

Bukod sa mga pulis, ilang kagawad din ng media ang nabigyan ng coppermasks na itinuturing ding frontliners.

Sinabi ni Kumar na ang kanilang donasyon ay bahagi ng suporta ng kanilang grupo sa liderato ni PNP chief Police General Debold Sinas. Bilang ganti, pinapurihan at pinasalamatan ni Sinas si Kumar dahil walang humpay na pagtulong sa PNP.

Inilunsad din ni Kumar ang ‘Helpline para sa Malasakit ni Police’ at namahagi ng sako-sakong bigas, kahong-kahong delata, instant noodles at disinfecting machines.

Ang mga ito na naipon din ng grupo ni Kumar mula sa iba’t ibang donors ay ibinigay sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Buong puso rin ang pasasalamat ni Kumar kay Danao na kilala ring Police Big Brother dahil sa ipinagkaloob na oportunidad sa organisasyon sa kanilang community outreach program.

Gratitude is also extended to all our generous donors. With all of you, we continue to fill in the need,” pahayag ni Kumar.

Liwanag naman ang ibinigay na tulong ng grupo ni Kumar sa Bicol PNP sa pamamagitan ng rechargeable lamps na ipinamigay sa mga residente ng Tiwi, Albay.

Kabuuang 500 rechargeable lamps ang ipinamahagi ni Kumar kasama si Police Regional Office 5 Director, Police Brig. Gen. Bart Bustamante.

Kami po sa hanay ng pulisya ay laging nakahandang umalalay at mag-abot ng tulong sa abot ng aming makakaya. At nagpapasalamat kami na marami pa rin ang may mabuti ring kalooban na tumutulong sa ating mga gawain,” pahayag ni Bustamante.

Kaya naman po sa kabila ng pagkawasak at masamang epekto ng bawat kalamidad na ating kinakaharap ay wag po tayong mawawalan ng pag-asa. Patuloy po tayon magpakatatag di lamang para sa ating mga sarili kundi para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay. Kami po ang inyong PNP. Kasama ninyo sa sabay-sabay nating pagsisimulang muli at pagbangon,” dagdag pa ng heneral.

Tunay namang kung sama-sama at tulong-tulong ay tiyak na malalagpasan natin ang anumang pagsubok na dumarating sa ating bansa.

Ang ating mga tagapangalaga (frontliners) ay nangangailangan din ng pagkalinga at pagmamalasakit kaya naman masaya tayo at mayroong isang James Kumar na palaging lumilingon sa kanilang pangangailangan.

Mabuhay ang FICWSI, lalo na ang kanilang Presidente na si Kumar. nawa’y dumami pa ang katulad mong may puso at malasakit sa mga Filipino.

Maligayang Pasko po at Masaganang Bagong Taon sa lahat!

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large