Home>Editorial>Opinion>Hindi kayo titigilan ni BoC Chief Rey Guerrero

Hindi kayo titigilan ni BoC Chief Rey Guerrero

KAHIT na malapit na ang Pasko, malulungkot ngayon ang mga kawani ng gobyerno, kabilang na ang mga taga-BoC dahil sa babala ni Pangulong Rody Duterte sa mga magnanakaw sa gobyerno.

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa susunod na buwan ng Disyembre ay marami pang tiwali at corrupt na lingkod-bayan ang iimbestigahan.

Ang masakit, siniguro pa ni Pangulong Rody na ang iba sa kanila ay makukulong.

The next round will be by December. Many will lose their jobs. Many will be separated from the government. Many will face prosecution and many will go to jail,” sabi ni Duterte.

Inisyu ni Duterte ang babala pagkatapos niyang pangalanan ang ilang opisyal ng BoC na natanggal, nasuspendi o nakasuhan dahil sa korapsyön.

Sa isang meeting sa Malakanyang, sinabi ni Duterte na may 60 BoC at Philhealth officials ang sinibak o sinuspinde dahil sa kolokohan.

Sa BoC, 20 ang tinanggal, apat ang suspendido, 135 ang iniimbestigahan at 45 ang may kasong administratibo.

Nauna rito ay nangako si Pangulong Duterte na gugugulin niya ang nalalabing panahon ng kanyang panunungkalan sa paghabol sa mga lingkod bayan na sangkot sa korapsyon.

Paanong hindi magagalit si Duterte, meron na lang siyang mahigit na 19 buwan bago matapos ang kanyang termino.

Huwag natin kalimutan na ang paglaban sa katiwalian at korapsyon ang isa sa mga 2016 election promises ng Pangulo.

Ang masakit, aminado si PRRD na lumalala pa ang problema sa korapsyon.

Mabuti pa ang kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Kitang-kita na nagtatagumpay ang kampanya ng gobyerno.

Sa aduana, hindi naman nagpapabaya ang liderato ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Tahimik lang si Commissioner Guerrero sa kanyang internal cleansing program.

Pero talagang mahirap linisin ang aduana.

Mukhang na-perfect na ng mga mandurugas ang tinatawag na “art of cheating the government.

Pero hindi titigil si Sir Jagger sa kanyang “commitment to rid the waterfront of rotten eggs.

Tuloy ang laban hanggang huling araw ng administrasyong Duterte.

***

Hindi lang pangongolekta ng buwis at paglaban sa ismagling ang inaatupag ng BoC.

Tumutulong din sina Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Armed Forces of the philippines (AFP).

Si Commissioner Guerrero ay dating hepe ng AFP.

Alam ni Sir Jagger na mahalagang lumabas kaagad ang mga kargamento ng AFP sa pantalan.

Gaya na lamang ng mga bagay na gamit sa training ng mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Kaya nga nang dumating sa bansa ang mga gamit sa training ng mga sundalo ay kaagad na inakaso ng mga taga-Manila Internatiönal Container Port (MICP) ang paglabas ng shipment.

Ang shipment ay naglalaman ng plastic walls, steel range targets at statuettes.

Lahat ng mga ito’y gamit sa pagsasanay ng mga opisyal at miembro ng AFP.

Ang shipment ay maayos at mabilis na nailabas sa pantalan sa tulong ni Customs Examiner Subjulna Ofilan ng Formal Entry Division.

Pinasalamatan naman ng AFP ang mga MICP personnel na tumulong sa mabilis na release ng shipment.

Pinuri din nila si MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales sa magandang ugnayan ng kanyang mga tauhan at opisyal ng AFP.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4775430/email/vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight