Hustisya sa Kapaskuhan

December 07, 2018

INAASAHAN ng Palasyo ng Malakanyang na magkakaroon ng desisyon ang Department of Justice (DoJ)  ukol sa Dengvaxia fiasco sa darating na mga linggo bago ang kapaskuhan.

Magandang  aginaldo ito lalo na kung sa huli ay makakamtan ng mga kamag-anakan ng pamilya ng mga biktima ng failed health program  ang hustisya.

Umaasa sila  na mas mananaig ang katotohanan sa gitna ng ilang uri ng “cover ups” upang makaiwas sa pagkakamali at parusa ng batas.

Kung naging bukas sana ang isipan at transparent ang mga sangkot sa  tinaguriang Alamat ng Dengvaxia ay naiwasan at naabatan ang maraming inosenteng buhay ng kabataan  na nasawi at maaaring masawi pa  matapos silang mabakunahan.

Mismong ang isang drayber ng taxi na nasakyan ko ay nangangamba sa kahihinatnan ng kontrobersya lalo pa at may 103 palang ang sinasabing nasawi  dito mula sa tinatayang 800,000 na nabakunahan ng naturang vaccine.

Tinitiyak ng forensic team na masusi ang ginawang mga forensic examination sa lahat ng 103 beneficiaries na cadavers na sumailalim dito.

Kailan umano matatapos ang lahat  at mareresolba lalo pa nagdudulot ito ng hindi magandang pangitain sa publiko sa gitna ng sinasabi ng mga health officials na “measles outbreak”.

Malinaw na hindi makatwiran at desperadong  pamamaraan ng isang naghihingalong paninindigan ang idawit ang sino man dito dahil katulad ng mga public attorneys ng Public Attorney’s  Office (PAO) at ng forensic team nito ay tinutuganan  lamang nila ang kanilang tungkullin sa hinihinging  hustisya ng mga kamag -anakan ng biktima.

Ang tanong ay kung sino ang nagkasala  sa  Dengvaxia fiasco?

Tandaan natin na ang kampo ng mga kamag-anakan ng biktima ang naagrabyado at sila ay namatayan  kaya mas  resonable  lamang  na  sila ang dapat panigan.

Sa huli  mas mananaig pa rin ang katotohanan at makikia ito sa kalalabasan ng desisyon  ng korte  sa mga kaso matapos maisampa ito. Kinakailangan na ang  resolusyon ng DoJ  sa Dengvaxia fiasco at marami ang naghihintay dito.

Tandaan natin  gaya ng sinasabi sa  isang awit, “It’s a sin to lie.”