Huwarang pinuno

MATINDI ngayon ang labanan sa susunod na pinuno ng Pambansang Pulisya matapos ang mga naging intriga kay resigned PNP chief Oscar Albayalde.

Kung pagbabatayan ang kwalipikasyon, sabi nga ng ating ilang mga pinuno, tiyak na kwalipikado ang lahat ng star-ranked na opisyal.  

Subalit sa mga lumalabas ngayong impormasyon, tila nakatutok sa tatlong pinakamatataas na opisyal ng PNP ang mata ng lahat para pagpilian na maging pinuno ng 190,000 ‘strong police force’ ng bansa.

Sa programang ‘Dos por Dos’ nina Anthony Taberna at Gerry Baja noong araw ng Biyernes, pinasaringan ng dalawang batikang komentarista ang dalawang contender bilang PNP chief.  

Ayon sa kanila, isa sa mga contender ay may history ‘daw’ na nagpapakawala ng mga drug suspects, kapalit ng pera. (hmmm parang hulidap ang lakad).

Nangyari raw ito noong siya ay hepe pa ng isang syudad sa Metro Manila.

Ang ikalawang contender naman, ayon pa rin sa mga hosts ng programa, ay kilala raw na ‘binabae’ sa PNP organization at may mga istoryang sexual abuse sa mga Plebo o underclass noong nasa akademya pa siya.

Kung totoo man o hindi ang mga intrigang ito, mukhang dapat pa rin itong tignan at busisiin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng hihirangin nitong PNP chief.

Bakit? Eh alam naman ng lahat na nawasak si Albayalde sa mga intrigang wala namang matibay na batayan at nangyari sa nakalipas pang mga panahon.

Tama ang pahayag ng Punong Ehekutibo na dapagt siyang maging maingat sa pagsusuri sa mga pinagpipilian upang hindi nga raw ito madapa.

Abaý kung titignan ang mga contender, hindi ba’t mukhang liyamado si Police Major General Guillermo “Guillor” Eleazar?  

Dahil bukod sa gusto ng tao ang kanyang istilo sa pagdisiplina sa mga pulis, ay kilala itong action man.

Bukod dito, wala rin akong nabalitaang bahid ng intriga kay Guillor. Kayo meron ba?