‘Inabutan ng karma’ ang mga Garin

December 28, 2018

BAGO ang lahat, “mainit” na pagbati kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner, Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero, dahil, ‘believe it or not,’ dear readers at DoF Secretary, Carlos Dominguez, “nalampasan” pala ng ahensiya ang higit P490 bilyon na ‘collection target’ nito ngayong 2018!

‘The final numbers are not yet out,’ wika nga, pero ayon sa ilang nakausap natin kahapon sa pantalan, “maaliwalas” ang mukha ni Comm. Jagger sa kanilang naging pagpupulong ngayong linggo kung saan natanggap nito ang ‘good news’ hinggil sa naging ‘collection performance’ ng Aduana sa kanyang ikalawang buwan bilang ‘customs commissioner.’

Eh, talagang “nagkusot ng mata” ang mga miron, dear readers at marami pa nga ang nagsabi na “sasablay” sa koleksyon ang BoC dahil nga noong buwan ng Nobyembre, “sablay” ng higit P6 bilyon ang ahensiya!

At marahil, may kinalaman dito ang ‘management style’ ni Comm Jagger dahil anila pa, “gusto” nila ang nakikita nilang “pagsisikap” ni Comm. Jagger na “makuha” ang kanilang respeto at tiwala sa kanya. Yes, Jose, may ganun, hehehe!

Sa magandang balitang ito eh, alam nating “mas magandang balita” ang “gustong marinig” sa kanya ng mga kawani at mga opisyales, hindi ba, dear readers?

Translation? May ‘performance bonus’ daw kayang naghihintay, Comm. Jagger? Abangan!!!

* * *

Sa “kagimbal-gimbal” na nangyari sa bayan ng Guimbal sa Iloilo, noong Disyembre 26 kung saan isang pulis ang “binugbog,” “dinuraan,” “ipinosas” at ginawan ng kung anu-ano pang pang-aabuso nitong sina Rep. Richard Garin at ng kanyang ama, si Guimbal Mayor, Oscar Garin, “masyado nang halata” ang pananahimik ng mga Dilawan, tama ba dear readers?

Dangan kasi, kung kahit ang ‘nag-viral’ na “pambu-bully’ ng isang estudyante ng Ateneo ay “pinatulan” nila sa pangunguna ni LP president, Sen. Kiko Pangilinan at ng CHR, para lang masabing “may malasakit” sila sa mga nangyayari sa ating paligid, dito sa nasabing insidente, “tahimik na naman sila, tsk, tsk, tsk!

Una na nating pinansin ang pagiging ipokrito, ehek, doble-kara nitong mga Dilawan kung “pagmamalasakit” ang pag-uusapan, sa nangyaring karumal-dumal na pamamaslang ng mga pulis-Rizal dito kay Richard Santillan noong Disyembre 10 dahil nga “nakaririndi” ang kanilang pananahimik sa krimeng ito.

At ngayon, naulit na naman, hindi ba, mga kabayan, dito sa nangyaring “pagmamalupit” ng mga Garin kay PO3 Federico Macaya ng Guimbal PNP kung saan “nakatutulig” ang pananahimik ng kampong Dilawan.

“Malinaw” naman kung bakit hindi nahihiya ang mga Dilawan na ipakitang ‘double standard’ sila sa kanilang posisyon sa bawat isyu.

Dito nga kasi sa huling insidente, ‘certified Dilawan’ din kasi ang mga Garin kung saan ang mambabatas ay “esposo” ni ex-DoH secretary, Janette Garin -- na “responsable” umano sa  ‘Dengvaxia Scandal’ noong termino ni Noynoy Aquino kung saan higit 100 daan na nating mga kabataan ang namatay.

Sa ganitong bistadong estilo ng mga Dilawan, malaki na talaga ang “problema” ng mga Pilipino sakaling may manalo pa sa kanilang mga kandidato ngayong 2019 election, hindi ba mga kabayan? Abangan ulit!

* * *

May kasabihan din na, ‘when it rains, it pours,’ kasabihan na ‘sakto sa ganang atin dito sa mga Garin.

‘Yun nga lang, hindi “buwenas,” bagkus, “inuulan” sila ngayon ng mga reklamo at kaso, yeheyy, ayy, huhuhu!

Sa ganang atin pa, ‘very good’ ang naging desisyon ng PNP at DILG na sa halip sa ‘regular court’ ng Iloilo sampahan ng kaso ang mga Garin, isinampa ang kaso sa Ombudsman kung saan makatitiyak ng “parehas” na pagdinig si PO3 Macaya.

Kaya sa inaasahang paglabas ng desisyon ng Ombudsman, aba’y may “pag-asa” pa kayang manalo sa halalan itong si Cong at yorme?

Samantalang malaki ang posibilidad ng ‘6-month suspension’ laban dito kay mayor Garin? Eh, paano yan, eleksyon na sa Mayo 2019, hehehe!

“Dinisarmahan” na rin ng PNP ang mga Garin, inalisan ng police power at ng kanilang ‘police escort’ kaya, may lakas pa kaya sila ng loob na “mangampanya” ngayong halalan samantalang tumataas ang insidente ng ‘political violence’ tuwing ‘election season?’

Ayon pa sa isang malapit kay DILG secretary Ed Año, itong mga Garin ang “masasampolan” ng kanyang opisina kaya, ‘expect no mercy’ from the DILG, aguy, aguy, aguy!

Bagaman “palakas-loob” pa si Cong. Garin nang “akuin” ang “responsibilidad” sa nangyari, aba’y paano kaya kung matalo siya ngayong halalan? Paano kaya niya “maiimpluwensiyahan” ang mga korte at Ombudsman pabor sa kanya kung wala na siyang “werpa,” aber?

Ayon naman sa ilang miron, “inabutan na ng karma” ang mga Garin dahil dito sa isyu ng Dengvaxia.

Anila, dahil “mailap” pa rin ang hustisya ng mga biktima ng Dengvaxia sa “galing” ng “maniobra” nitong sina  Sec. Garin at Noynoy Aquino, “kasabwat” ang ilang mga opisyales d’yan sa DoH kaya hindi pa rin sila nakukulong hanggang ngayon at pulos kaso pa lang din sa korte ang nangyari, sa pamilya naman “bumawi” ang “batas ng karma.”

Sabagay, what goes around, comes around,’ hehehe!

Isang mapagpalang Bagong Taon sa ating lahat!