Home>Editorial>Opinion>Insensitibong ‘breast’ ad

Insensitibong ‘breast’ ad

SA mismong araw ng kababaihan sa buong mundo, nag-deliver ng dibdib ang Lazada!

Going beyond usual, thinking out of the box, iyon siguro ang gusto nilang ipakita sa merkado kaya kailangan nilang maglabas ng advertisement ng isang babaeng tulog sa sofa habang nakalabas ang dibdib.

Hindi natin malaman kung ano talaga ang off for delivery sa kanilang advertisement na iyon dahil katabi ng babae na labas ang dede ay cellphone, bag, travel pillow, sunglass na suot, o ang sofa. I’m sure naman hindi iyong babae ang kasama sa 3x more free shipping voucher ng Lazada ad na iyon.

Hindi naman porket ang running ad ng Lazada ay “nasa kanila lahat ng kailangan mo“, puwede na nilang gawing kalakal ang dibdib ng ating mga kababaihan.

Ito iyong tinatawag na height of insensitivity with impunity para ibandera sa publiko ang babae bilang sex object habang ginugunita ng buong mundo ang International Women’s month ngayong Marso.

Malaking bagay ang pagsita ng ating kaibigang si Kim Atienza sa online ad na ito ng Lazada dahil nabigyan ng mukha ang katarungan sa mga kababaihan na sa tingin natin ay hindi nirespeto ng kompanya.

Ito ang problema sa online kaya kailangang amyendahan ang ating Saligang Batas, hindi mo alam kung sino nakakasakop sa violation na ito ng Lazada. Puwede sigurong pumasok ito sa Anti-cyber crime kung istriktong usapan.

Bagama’t may pagkilos na ang Lazada sa isyung ito dahil natukoy na raw ang naglabas ng lewd ad, sa tingin natin ay hindi dapat doon natatapos ang kanilang liability

Kahit inalis na nila ang online ad na bastos, dapat pa rin silang managot para magbigay ng mensahe sa lahat ng kompanya ng delivery na may limitasyon din kayo kahit anong laki ng inyong kompanya!

(Ed’s note: Sumagot na Lazada kay Atienza at sinabing iniimbestigahan na nila ang nasabing ad. “Hi! Thank you for bringing this to our attention. This has already been coordinated with the relevant teams for checking and investigation. Rest assured that our team is already on top of the issue. Thank you and stay safe!” ani ng kumpanya.)

allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV