Home>Editorial>Opinion>Institution ng mga Boy Banal, nag-aaklas laban sa gobyerno

Institution ng mga Boy Banal, nag-aaklas laban sa gobyerno

NAGSASANIB-PUWERSA ang mga malalaking educational institution para iparamdam umano ang pagkadismaya sa mga aksiyon ng gobyerno laban sa COVID-19, sa Quinta, sa Rolly, sa Ulysses, sa nangyaring baha sa Rizal at flooding sa Cagayan.

May ibang unibersidad pa nga na gustong kanselahin ang buong taong klase hangga’t hindi nagre-resign o napapatalsik si Presidente Duterte.

Hindi ko alam kung anong salita ang puwede kong sabihin sa kanilang ginagawa. Ang malungkot pa nga, ang karamihan sa mga institution na ito ay mga Catholic school. Para pang ang pag-usig sa kapwa ng kanilang unang katuruan gayong wala naman sa Bibliya ang nagsasabing sipain mo ang iyong kapwa na dumaranas ng hirap at dusa.

Kayo nga,nakatingin lang sa loob ng bakuran ng inyong mga paaralan habang nasa airconditioned nyong mga kuwarto. At pagkatapos ng buong maghapon, sasakay kayo ng mamahaling kotse at uuwi sa mga mansion nyong tahanan.

Kung hirap at hirap din lang talaga ang sukatan, sigurado ako na kahit ga-buhok na hirap ay hindi dumanas ang mga opisyal ng mga education institution na ito dahil sa laki ng kanilang mga suweldo at allowances. No thanks sa mahal nyong matrikula.

Tanong, magmula ba nang sumabog sa mukha ng buong mundo ang COVID ay tumigil ba ang gobyerno sa pagkilos? Kahit maubusan na ang kaban ng bayan, napagtibay ang Bayanihan 1 and 2 para alalayan kahit paano ng tig-5 hanggang P8,000 ang mga mahihirap nating kababayan, bukod pa ang stimulus package sa mga small and medium enterprises.

Nakita ba ang mga opisyal ng pamahalaan na nagtampisaw sa abroad or saan mang luxurios hotels habang nagdurusa ang ating mga kababayan?

Silang mga giant Catholic schools kaya, may mga naiambag man lang ba sila sa mga nagugutom nating kababayan magmula nang mag-lockdown noong March 15?

Iyon ba namang kambal hanggang triplets na bagyo na halos dalawang araw lang ang pagitan, hinahanapan nyo pa ng kakulangan ang gobyerno at ang Pangulo na halos hindi na nga magkandaugaga sa trabaho dahil sa dami ng problema ng bansa?

Ang inaasahan ko mula sa ganitong mga thinking class ay mataas ang common sense na kayang abutin ng kanilang kaisipan ang nangyayari sa bayan. Pero mukhang nagkamali ako dahil mga walang pakiramdam!

Katulad na lang din kayo ng mga grupong atat na atat bumagsak si Presidente at ang gobyerno para kayo na naman ulit.

Hindi biro ang taong 2020 para sa ating lahat na sinimulan ng pagsabog ng Taal Volcano noong January 12 at sinundan ng COVID ng Marso at serye ng bagyo sa mga nakaraang linggo.

Tapos paggising mo sa umaga, makikita mo ang mga santo-santito na nanawagang lumayas na ang Pangulo?

Susmaryosep, kahit si Hesus Kristo na napagitnaan ng dalawang balasubas ay walang sinabing masama laban sa kanila at wala siyang hinusgahan. Kung ang katuruan ng Panginoon ang totoong doktrina ng mga Catholic schools, ang dapat sana panalangin para sa bayan at para sa ating mga lider ang inyong ibinigay para makayanang resolbahin ang mga dumagan na problema sa bansa.

Teka nga pala, bakit hindi nyo ginawa ‘yan noong Yolanda na 10,000 ang namatay pero itinago sa 6,000? Bakit hindi kayo nanawagan ng oust the President noong lumubog sa baha ang Bulacan na walang aksiyon ng gobyerno? Tahimik din kayo sa Mamasapano massacre di ba? Wala rin kayong kibo sa paglaganap noon ng droga, shabu laboratory at sobrang taas ng crime rate sa buong bansa! So, alam na kung ano ang kulay nyo!

Pasensiya na po mga alyas Boy Banal, kung ganyang klase ng katuruan ang inyong ipapalaganap, tiyak ko, ito, may naghihintay na VIP room sa inyo doon sa kumpare ko sa impiyerno!

allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV