Integrated Bar of the Philippines: Intrigerong Bikoy ng Pilipinas

SI Bikoy lang pala ang wawasak sa matibay na pedestal ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na simbolo ng legal na proseso ng bansa.

Sa isang kisapmata, ang IBP ay naging sentro ng Intrigerong Bikoy ng Pilipinas. Dito na nababoy ang organisasyon ng mga abogado dahil lamang sa pagiging ant-Duterte ng ilang opisyal nila.

Hindi tayo makapaniwala na susulpot ang mga kabarkada nila Lascanas at Matobato sa IBP para muling idawit  sina  SAP Bong Go, Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio sa sindikato ng droga.

Kung interesadong tulungan ng IBP si Bikoy na magsagawa ng press conference at sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin, puwede naman sa isang lugar o restaurant at hindi sa mismong logo ng IBP.

Masyadong binaboy ng     mga  abogadong sangkot sa Bikoy production ang IBP. Maraming beses nang nagpakita ng pagka-anti-Duterte ang ilang opisyal ng IBP at ang pagkanlong kay Bikoy ang siya nang ultimate action na sa tingin natin ay laban sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Kung pagbabatayan natin ang sinasabi ni Bikoy, wala akong makitang koneksiyon sa Vitaplus at illegal drugs. Kung tattoo scanning naman nina Paolo at Bong Go ang trabaho, halata namang masyadong kuwentong barbero, lalo na’t sa ikalawang pagkakataon ay ipinakita na naman ni SAP ang kanyang flawless na likod.

Hindi pa sumasagot si Pangulong Duterte sa ginawang ito ng IBP at sa mga sinasabi ni Bikoy. Pero isa lang ang sigurado, dirty finger na naman ang aabutin ng mga taong nagsimula na namang magtulungan para wasakin ang Duterte administration.

Napansin nyo ba ang timing? Giniba nila noon si Mayor Duterte dalawang linggo bago mag-eleksiyon sa pagka-Pangulo. Ngayon, mahigit isang linggo na naman bago mag-eleksiyon, nariyan na naman sila.

Masyadong mahaba ang pasensiya ng Pangulong Duterte sa mga taong ito, sapat na dahilan ito kung bakit sa dami ng tangkang wasakin ang kanyang administration ay excellent pa rin ang rating ng kanyang gobyerno.

Pero sabi nga, napupuno rin ang salop. Abangan!
allanpunglo@gmail.com