Ipinagbabawal ang pagpapagamit sa ibang tao ng rehistro ng isang psychologist

Kgg. na Chief Acosta,

Naikwento po ng kaibigan ko na ang pinsan niya na isang psychologist sa kanilang probinsya ay naireklamo dahil ipinagamit diumano nito ang kaniyang rehistro bilang psychologist sa ibang tao. Sakaling makansela ang kaniyang rehistro, maaari pa po kaya itong maibalik?

Vicky

Dear Vicky,

Ipinagbabawal sa ilalim ng ating batas ang pagpapagamit ng rehistro, professional identification card at special/temporary permit ng mga psychologists sa mga hindi awtorisadong indibidwal.

Ang paglabag ay maaaring magbunga sa suspensyon o pagpapawalang-bisa ng sertipikasyon ng isang psychologist. Maaari ring patawan ng fine at/o pagkakakulong ang mahuhuling lalabag. Sa probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 10029, o mas kilala bilang Philippine Psychology Act of 2009 nakasaad ang sumusunod:

“Section 26. Suspension or Revocation of Certificate of Registration and Professional Identification Card or Cancellation of a Special/Temporary Permit. - The Board shall have the power, after notice and hearing, to suspend or revoke the certificate of registration and professional identification card or to cancel special/temporary permits granted pursuant to this Act on any ground set forth in Section 33 of this Act or any of the instances hereunder:  x x x

(b) Allowing an unqualified person to advertise or to practice the profession by using one's certificate of registration or professional identification card or special/temporary permit;   x x x”

Section 33. Prohibited Acts. - (a) No person shall:  x x x

(3) Allow any other person to use his/her certificate of registration and professional identification card or special/temporary permit for any purpose, regardless of whether such enables the unqualified individual to engage in the practice of psychology or psychometrics; x x x

Section 34. Penalties. - Any person who violates any provision of this Act implementing rules and regulations shall be punished with imprisonment of not less than six (6) months but not more than three (3) years, or a fine of not less than Ten thousand pesos (P10,000.00) but not more than One hundred thousand pesos (P100,000.00), or both, at the discretion of the court.”

Sa sitwasyon na ibinahagi mo, mayroong posibilidad na mapatawan ng alinman sa mga nabanggit na parusa ang pinsan ng iyong kaibigan kung mapatunayan na siya ay lumabag sa nabanggit na probisyon ng batas. Ganoon pa man, kung ma-revoke ang kanyang rehistro ay maaari niyang subukan na ipa-reinstate ito. Batay sa Section 27 ng R. A. No. 10029:

“A psychologist or psychometrician whose certificate of registration has been revoked may apply to the Board for reinstatement at any time after two (2) years from the date of revocation of said certificate. The application shall be in writing and shall conform to requirements hereinafter prescribed by the Board. No certificate of registration or professional identification card or special/temporary permit shall be reinstated unless the Board is satisfied that a good cause exists to warrant such reinstatement. x x x”

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Ang inyong Lingkod Bayan,

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA, DSD

Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:

Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: pao_executive@yahoo.com o tumawag sa PAO hotline: (02) 8426-2801; 8426-2450; 8426-2987; o 8929-9436 local 106 o 107 during office hours at local 159 after office hours.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng legal advice, court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.