Home>Editorial>Opinion>Iskandalo vs pulitiko sa CL!

Iskandalo vs pulitiko sa CL!

KAPAG hindi naagapan, baka tuluyang sumambulat sa mga darating na panahon ang naghihintay na iskandalo laban sa isang pulitiko sa Central Luzon.

Isyu ng ‘marital rape,’ pang-aabuso, korapsiyon at kasuwapangan sa pera ang naghihintay sa naturang pulitiko.

Alam ko, marami ang magtatanong kung sino itong tinutukoy natin pero dahil medyo sensitibo ang impormasyon, hayaan n’yo na lang muna ako magbigay ng ilang detalye tungkol sa pulitiko.

Si politician ay mula sa kilalang angkan. Ang negosyo ng kanilang pamilya ay kilala rin ng lahat.

Ang posibleng magsampa ng kaso laban sa kanya ay dati nitong ka-live in na umano’y kinasama ng ilang buwan.

Nasa edad 22-anyos lamang ang ‘ka-live in’ ni Sir. Dati itong saleslady bago nakilala ni Mr. Pulitiko muy Romantiko!

Nang unang maispatan, agad kinursunada ni Sir ang magandang dalaga.

Gumawa ito ng paraan para makilala.

Ipinangako ang ‘langit at lupa’ at binigyan ng kung anu-ano na madaling makapagpapalambot sa puso ng sinumang kababaihan.

Sa isang inuman, isinama ni Sir si babae!

At tulad ng kasabihang ‘pag may alak, may balak,’ doon naisakatuparan ni Mr. Pulitiko ang panggigigil sa dalaga!

Ang sumunod na eksena ay iginarahe na ni Sir si Pretty Girl.

Binigyan ito ng bahay, kotse at kung anu-ano pa!

Ang masaklap, tutol ang magulang ng dalaga sa pakikipag-live in ng anak dahil bukod sa alam sa Central Luzon na pamilyadong tao si Mr. Pulitiko, nangangamba rin silang hindi maayos ang pagkatao ng politician.

Agad binawi ng magulang ang kanilang anak, pinauwi sa bahay at binawalang wag na wag nang makikipagkita o makikisama sa dyowang pulitiko.

Gayun na lang ang gulat ng pamilya ng dalaga dahil sa halip na ipaglaban ang kanilang ‘pag-iibigan,’ ay pinabawi umano ni Sir ang ibinigay nitong bahay, kotse at iba pang ari-arian.

Ang pakiramdam ng dalaga, matapos siyang pagsawaan ay para rin siyang naisahan ni Mr. Pulitiko.

Ang tsika ngayon, naghahanda raw ng kakaibang ‘eksena’ si Babae dahil isisiwalat daw nito ang lahat ng kalokohan ni Mr. Pulitiko. Pati raw ang hilig nito sa kama na kahit ayaw ni Ate Girl ay pinipilit siyang makipagtalik ni Kuya Pulitiko!

Alam din daw ni ate ang lahat ng kalokohan ni kuya kaya hindi man niya mapakulong ang pulitiko dahil sa impluwensiya, sigurado naman aniyang masisira niya ang pagkatao nito na maaari ring makaapekto sa kanyang political career ngayong darating na halalan.

Kaya lang, may bumulong sa ‘Uncovered,’ baka raw may sumusulsol sa dalaga kaya ito nagbabantang magsiwalat ng iskandalo.

Baka raw kasi gusto lang nitong gumawa ng pera para masuhulan ang ‘ex-dyowang’ pulitiko.

Alam na alam ni Girlalu na ‘two years’ ang ‘grace period’ ng isang ‘rape case,’ kaya hindi malayong may intindidong tao ang pasimuno ng ‘Sulsul Brigade’ o ‘Urot Brigade’ sa pamilya ng dalaga.

Well, sa ganang akin, anuman ang kahantungan ng kuwentong ito, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil kahit saang anggulo tingnan, tiyak na pagpipiyestahan ito ng ating mga kababayan – hindi lang sa umpukan sa tsismisan kundi pati na rin ang tsikahan sa ‘social media.’

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large