Kahanga-hanga ang The Village ni Pastor Quiboloy!

February 11, 2019

MAY bagong atraksyon ngayon sa Davao City!

Ito ay ang ‘The Village’ na matatagpuan sa Prayer Mountain ng Kingdom of Jesus Christ sa Tamayong, Calinan District ng lungsod.

Bunga ito ng malikhaing pag-iisip ni Pastor Apollo Quiboloy, executive director ng Kingdom of Jesus Christ, na bukod sa pagpapalawig sa Banal na Salita ng Diyos ang ginagawa ay walang pagod ding nagbibigay kasiyahan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga batang paslit.

Nobyembre pa ng nakalipas na taon nang pasinayaan ang The Village kung saan makikita rito ang tatlong naggagandahang gusali ng Mansiyon na pinailawan ng matitingkad na kulay ng pink, blue, green at dilaw

May nakabibighani ring magagandang ilaw ang 65 kabuoang bilang na pine trees, samantalang kapansin-pansin din ang 87-foot tall na living pine trees na may 220,00 LED lights  at mayroon ding walong pulgadang laki ng talang may nakahahangang ilaw.

Ang landscape sa  walong hektaryang lupain sa Prayer Mountain ay labis na nakakahanga. Ang mga ‘booths’ dito ay may disenyong European hamlets, fairy tale princess and characters na nagbibigay sigla sa mga kabataang namamasyal sa The Village.

Nitong nagdaang Disyembre, ang tema sa The Village ay tungkol sa Kapaskuhan.

Ngunit ngayong buwan ng Pebrero, ang naging tema naman ay tungkol sa Chinese New Year kung saan ay ipinakita ang ‘kulturang Chinese’ na higit nagpabighani sa mga nakaaaliw na ‘background music,’ hindi lamang sa musikang Chinese,  masasayang awitin ng mga banyagang mang-aawit at siyempre ang ipinagmamalaki nating Original Pilipino Music (OPM).

Imee Marcos, suportado ni Pastor Quiboloy!

NOONG nakalipas na Sabado, Pebrero 2, muling pinasinayaan ang bagong tema sa The Village.

Mismong si Pastor Quiboloy ang pumindot sa button ng naggagandahang pailaw na sinaksihan ni Senatorial candidate Imee Marcos.