Kahit ang OCA, ‘nganga’ at ‘abusadong opisyal’ ng Maynila

December 03, 2019

BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay ang ating ipinahahatid kay ‘Boss’ George Reyes, dating editor sa Manila Standard, ‘page administrator’ ng ‘Biñan Today’ sa ‘Facebook’ at isa sa mga “haligi” ng ‘Press Freedom Party’ ng National Press Club (NPC) sa hanay ng mga ‘lifetime members’ nito.

Marami kaming “masasayang” araw—at gabi—  ni Boss George sa ‘restobar’ ng NPC at marami rin naman akong “natutunan” sa kanya, tama ba, ‘Boss’ Jimmy Montejo?

Oh well, “mag-enjoy” ka sa patutunguhan mo, Boss George! Natitiyak kong “masaya” kang “sasalubungin” ng mga “katropa” mo sa NPC—Butch del Castillo, Cip Roxas, Willie Baun, ‘Mommy Tiger’ Andolong, at marami pang iba. Mabuhay ka, Boss George!

At  nasimulan na rin lang sa “pakikiramay,” ‘sincere condolence’ din kay kasamang Benjie Caballero ng ‘Radyo ni Juan’ station sa Sultan Kudarat/Tacurong City na inambus kamakailan at binawian ng buhay noong nakaraang Linggo, Disyembre 1.

Samantala, harinawa rin na ‘maka-recover’ sa matinding ‘heart attack’ si kasamang Saul Pa-a ng Phil. News Agency (PNA) Calabarzon. Isa rin si Saul sa mga tagasuporta ng NPC sa Calabarzon.

***

Habang “binabayo” ang bansa ni ‘Bagyong Tisoy,’ patuloy namang “inuulan” ng papuri at paghanga ang nangyaring ‘opening ceremony’ noong Sabado ng ating ‘hosting’ ng ‘30th  Southeast Asian Games’ (SEA Games).

Aber, kung “nganga” at “natameme” ang mga Dilawan dahil sa ganda ng okasyon kaya nabalewala ang kanilang mga batikos at “paninirang-puri,” ibang klaseng “nganga” naman—dahil sa sobrang paghanga”—ang nasambit ni Olympic Council for Asia (OCA) vice president, Wei Jishong.

Dahil ‘impressed to the bones,’ wika nga, hinimok ni Wei ang ‘Pinas na ‘mag-bid’ bilang ‘host country’ ng Asian Olympics sa 2030 edition nito!

Sa totoo lang, kung mangyari ito, dear readers, malaking karangalan ito sa ating lahat dahil para na rin tayong ‘nag-host’ ng ‘Olympiad’ dahil sa matinding preparasyon na kailangang gawin, hindi ba?

Bago ito, “humanga” rin si Wei sa ipinakitang ‘humility’ ni PDU30 at Speaker Alan Cayetano, sa kanilang “paghingi” ng “dispensa” sa mga naunang ‘glitches’ bago ang porma na pagbubukas ng SEA Games.

Dangan kasi, sa panahon ngayon, sadyang “bihira” na tayong makakita ng mga lider na handang “magpakumbaba” sa harap ng ating mga ‘foreign visitors’ at mga kababayan.

Dagdag pa nga ni Wei, talagang “hindi maiiwasan” ang pagkakaroon ng aberya sa mga malalaking torneo at kahit sa Asian Games ay “sumusulpot” ang ganitong problema.

“Mabuti” pa itong si Wei, “marunong” kumilala at “pumuri” sa pagpupunyagi ng ating bansa para maidaos nang mahusay ang 30th SEA Games. Hindi “katulad” ng ilan d’yan, hehe!

Harinawang “matauhan” na ang mga tao at grupo na walang inaatupag hanggang ngayon kundi ang magbato ng mga puna at batikos? Harinawang makita na nila ang katotohanan na hindi kayang igupo ng mga negatibong usapin ang dangal, tatag at dignidad ng atletang Pinoy.

Bakit ba kasi hindi na lang tayo magkaisa sa pagpalakpak at pagsuporta sa lahat ng mga manlalarong lumalahok sa SEA Games?

Hindi yung tayo pa ang bumibira sa sarili nating bayan. Di pa ba kayo natutuwa niyan, sa ikalawang araw pa lang ng torneo, higit 30 medalyang ginto na ang nakuha ng ‘Pinas at hindi malayong muli tayong tanghalin bilang “da best” in Southeast Asia bilang overall champion?

***

Marami sa ating mga miron sa Maynila ang nagtatanong kung hanggang saan ang “pagtitimpi” ni Mayor Isko ‘Kois’ Moreno, dito sa isang dating kosehal at ngayon ay opisyal ng kanyang administrasyon?

Una nang “kumalat” sa City Hall ang “balita” na “siya at ang kanyang anak na lalaki ay “pinosasan” ng NBI noong Oktubre dahil “nangingikil” umano sa ilang establisyamento d’yan sa Malate area.

“Depensa” naman ng isa nating kaibigan sa City Hall, “hindi” ito totoo at ‘yung anak lang daw nitong si ‘Mr. City Hall Official’ ang “sumabit.” Ganun ba? Eh, ‘di…wow, hehehe!

Inireklamo na rin pala ng ilang ‘netizen’ itong nasabing opisyal dahil “naplakahan” at lumabas sa social media na ginagamit ang sasakyan ng city hall para sa kanyang ‘bar/restaurant’ d’yan din sa Malate area—kahit alam niyang labag ito sa regulasyon at sa gustong mangyari ni Mayor Kois na “tapat” at “malinis” na serbisyo publiko.

Ang siste pa, “nakumpirma” natin na ginagamit nitong opisyal na ito ang kanyang makapangyarihang posisyon sa city hall para “perwisyuhin” ang mga kalaban niyang ‘restobar’ hindi lang sa Malate, bagkus, sa buong Maynila, talaga rin naman, tsk,tsk,tsk!

At any rate, “nakamasid” ang ating mga miron sa ginagawa nitong mamang ito na sinasabing “malaking pagkakamali” kung bakit “pinagtiwalaan” ni Mayor Kois.

Oops! Bago ko pala makalimutan, DENR Secretary Roy Cimatu. May “ibubungang maganda” ang “pagtama” ng Bagyong Tisoy sa Maynila dahil napipiho natin na “sasalya” sa ‘breakwater’ ng Manila Bay ang mga basura kaya hindi na mahihirapang “hakutin” ang mga ito hindi ba?

Puwedeng sabihin na ‘blessing in disguise’ ito sa nagpapatuloy na ‘Save Manila Bay campaign’ ng pamahalaan.

At “pakisilip” mo na rin ang isang restobar d’yan sa “gilid” ng Manila Bay, malapit sa ‘Ocean Park.’

Ano pa ba kasi ang “ginagawa” nang restobar na ‘yan sa nasabing lugar samantalang “nakatirik” sa gilid mismo ng Manila Bay?

Saan kaya, Sec. Roy, napupunta ang mga “basura” at ‘untreated waste water n’yan? Hindi na siguro dapat pag-isipan yan, hehe!    

Dahil ba mga opisyal din ng city hall ang sinasabing ‘behind’ (nasa likod) nitong restobar na ito kaya kinukunsinti, ehek, hindi na lang pinapansin?

Nagtatanong lang naman. Abangan!