Kailan lulunurin ang mga nasa water service?

February 21, 2020

UMAANGAL ang mga kaibigan natin sa Caloocan City sa supply ng kanilang tubig.

Mas malakas pa raw ang tulo ng kapitbahay nilang suki sa cabaret kaysa sa tulo sa kanilang gripo.

Ilang araw na palang  dumaranas ng waterless days ang mga taga-Caloocan kaya kahit panghugas ng kili-kili ay wala na sila.

Salamat daw sa Maynilad dahil sa incompetent service, mas marami na silang naipon na libag kaysa tubig.

Tingnan mo nga naman, ang laki na ng kanilang kita dahil sa maanomalyang kontrata, hindi pa sila makapagserbisyo nang maayos.

Kaya nga tama lamang ang plano ni Pangulong Duterte na sampalin ang mga nagkakamal ng kita sa kontratang ito.

Mr. President, ang request ng mga kumpare kong sina Jun at Tino sa Caloocan, baka puwedeng lunurin nyo na lang po ang mga kapitalista ng tubig para totoong mabundat sila sa tubig?

Kailan daw po ba ito mangyayari?

* * *

Tubig na rin lang ang usapan, ito pa ang isang reklamo na ating tinanggap mula kay Dr. Bobby Garcia ng St. Lukes at residente ng QC:

“Good morning Sir Allan.

I pray all is well with you.

I would like to suggest a topic to look into po sana.

For the last 3 months I noticed an increase with my Maynilad bill with the water rationing in Bgy. Lourdes, Sta. Mesa Heights, QC.

I have asked Maynilad to have their water  meter reader to door bell and have our house helper  read the consumption together.

Hindi pa nangyari, today nag- request ulit ako.

I have 3 meters sa compound namin. Pareho lahat.

The water rationing should bring down the water usage pero bakit po tumataas ang consumption?

Ito po ang tanong ko kay Mr. Ross Montano, ang Maynilad Customer Rep kanina pag report ko . 7:45 am Feb 18, 2020.

More power, Sir Allan!”

* * *

Salamat po, Doc Bob sa inyong email.

Kung hindi po kayo busy, puwede po bang makasama kayo ni Presidente kapag nilunod sa sapa ang mga taga-Maynilad?

Pero ipangako n’yo lang po na kahit duktor kayo, huwag nyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para sagipin ang mga buwisit na ito kapag sisinghap-singhap na?

Pakihagis n’yo na lang po sa La Mesa hydro power tapos aabangan namin sila sa Tullahan River para sibatin naman ng kawayan habang nasa ibabaw kami ng tulay.

allanpunglo@gmail.com