‘Kakampi’ noon, ‘Kalaban’ na ngayon

October 18, 2019

NASA ibaba, mga kabayan, ang pahayag ng National Press Club (NPC) hinggil sa nakagugulat na pagsasampa ng kasong libelo (libel) ni PCSO board director, Sandra Cam laban sa mga kasapi ng media sa Metro Manila:

***

PINALAGAN ng National Press Club ang mga kasong ‘libel’ na isinampa ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board director, Sandra Cam, laban sa mga kasapi ng media.

Ayon kay Rolly ‘Lakay’ Gonzalo, pangulo ng samahan, nakagugulat ang naging hakbang ni Cam na nagsampa ng kasong libel noong Lunes, Oktubre 14, sa Manila Prosecutor’s Office, laban sa mga reporter, photographer at mga opisyal ng mga pahayagang ‘Abante,’ ‘Philippine Daily Inquirer’ at, ‘Police Files Tonight.’

“As an anti-gambling whistleblower during the Macapagal-Arroyo administration whose ‘crusade’ was mainly sustained by the media at the time, it behooves the Club to learn that Ms. Cam has vent  her ire against the press which merely reported on the result of a press conference by the family of a murder  victim,” ani Gonzalo.

Aniya pa, ang pamilya ng pinaslang na si Batuan, Masbate, vice mayor, Charlie Yuson, ang direktang nag-akusa kay Cam na “nasa likod” ng pamamaslang sa ginawa nilang ‘press conference’ sa Maynila noong Oktubre 10, isang araw matapos ang insidente.

Inambus at napaslang sa Sampaloc, Maynila si Yuson ng ilang armadong suspek kung saan sugatan din ang dalawa nitong kasama. Bagaman nahuli ng Manila Police District (MPD) ang mga suspek, pinakawalan naman ang mga ito ng Piskalya ng Maynila.

“We note that it was the family members who named Ms. Cam as the principal suspect in the incident. The media present did not ‘pull’ her name out of thin air,” dagdag pa ni Gonzalo.

Ayon pa kay Gonzalo, kung ang “habol” ni Cam ay maibangon ang kanyang puri at dangal dahil sa akusasyon ng pamilya Yuson, ang dapat sanang kinasuhan nito ay ang pamilya at hindi ang mga kagawad ng media kung saan sinasabing higit isang dosena pa ang balak kasuhan ni Cam.

Idinagdag naman ni NPC Vice President at Press Freedom Committee chairman, Paul M. Gutierrez, na “nagkakamali” si Cam kung inaakala nitong “matatakot” nito ang media sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Aniya pa, mainam ding “ipaalala” kay Cam na ang tuloy-tuloy at malawakang pag-uulat ng media sa kanyang mga ‘expose’ sa kasagsagan ng ‘Jueteng Gate ‘Scandal’ noong administrasyong Macapagal-Arroyo ang dahilan kung bakit nakilala at hinangaan si Cam ng publiko.

“If the intention of Ms. Cam is to divert the issue by venting her ire against the media, she would not succeed.

“It would also be good to remind Ms. Cam that had it not been for the media’s wide coverage of her expose during the ‘Jueteng Gate’ scandal, she would just be another disgraced ‘bagman’ and ‘conduit’ of gambling lords.

“In this case, ‘shooting the messenger’ won’t work because the media would not be intimidated,” pagtitiyak pa ni Gutierrez.

***

‘For the life of me, Jose,’ hindi talaga natin maintindihan kung ano ang “pumasok sa kukote” nitong si Madam Sandra at media ang kanyang “napagdiskitahan” na sampahan ng kaso at hindi ang pamilya Yuson na nag-aakusa sa kanya?

Bagaman bihira kaming magkita at hindi masyadong magkilala ng personal, itinuturing natin bilang isang “kaibigan ng media” si Madam Sandra—na siyang dahilan kung bakit “kilala” at “may pangalan” na siya ngayon.

Sa katunayan, sa panahong “nahihirapan” ang NPC na humingi ng tulong sa PCSO sa ilalim ng termino ni ex-GM Alex Balutan (na may “pinipili” lang ang gustong tulungan), dito kay Madam Sandra tayo lumalapit.

At kahit wala rin namang nangyari, eh, “ayos” lang sa atin dahil nga “kaibigan” para sa atin itong si Madam.

Sa ginawa naman niyang ito at umano’y “balak” pa rin niyang pagsasampa ng kaso sa higit isang dosena pang kasapi ng media, eh, ‘anyare sa iyo, Madam Sandra?

“Nilamon” ka na rin ba ng “sistema” kaya “trapong-traps” na ang “dating” mo ngayon?

‘Yun bang… noong panahon na “pinapakinabangan” mo ang media (kaya ka nga “sumikat”), “ayos” lang? At ngayong ginawa nila ang kanilang trabaho, “kaaway” na agad ang tingin mo sa kanila na dapat agarang “patahimikin” (takutin) sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso?

Hmm. ‘Fair weather friend’ yata ang tawag sa ganyan?

Ayon naman sa ibang “kapatid sa hanapbuhay,” ‘diversionary tactic’ lang daw ito ni Madam Sandra. Puwede, hehehe!

Sabagay nga, mas mainam na ang kasong libel na isinampa ni Madam Sandra ang atupagin ng media kesa itanong sa MPD kung bakit mistulang “malatuba” ang kanilang imbestigasyon sa kaso kaya sa halip nakakulong pa ngayon, pinalaya ng piskalya ang mga suspek sa pagpatay kay VM Yuson “for further investigation.”

Oh yes, PNP OIC Archie Gamboa, “ibang klase talaga” ang mga imbestigador ng MPD, hehehe! ‘Accomplishment’ na sana, pinakawalan pa! Sa magkano, ehek, sa anong dahilan naman kaya, hihihi!

Abangan!