Karangalan sa pagkatalo

SANAY ako sa talo.

Maaaring natalo sa isang aspeto pero dapat tingnan mo rin ang positibong dala nito. Nakasama na ako sa panalo, nakasama na rin naman sa talo.

Ang kagandahan lamang sa pagkatalo, maituturing mo itong unibersidad na puwede mong kapulutan ng aral.

Huwag mo ikahihiya ang pagkatalo dahil pinayayaman nito ang iyong karanasan. Tinuturuan ka nitong bumaba, inaakay ka niya pabalik sa simula.

Ang totoo, hindi naman ako dapat malungkot kung may kandidato man akong natalo tulad ni Mayor Estrada ng Maynila.

Marami rin naman akong nanalong kandidato sa national at local positions  sa katatapos na halalan.

Ramdam lamang natin ang pansamantalang sakit dahil nakita ko ang sinsiridad ni Mayor Erap at nakita ko first hand ang kabutihan ng kanyang puso.

Pero sabi ko nga, hindi naman tayo hard loser. Ganoon talaga ang buhay, hindi mo puwedeng angkinin ang lahat ng tagumpay at lalong hindi mo rin puwedeng solohin ang kabiguan.

Ang pagkatalo ay pagpapatibay, ang kabiguan ay pagkakataon ng malawak ng repleksiyon sa iyong mga kahinaan at sa iyong pagkukulang.

Pero hindi ito ang magiging dahilan para ikaw ay sumuko at masiraan ng loob na sumulong pa sa mataas na baytamg.

ng palagi kong sinasabi, there’s an honor in defeat. Hindi natin ito ikahihiya, hindi rin natin ito ipanghihina.

Panalo pa rin ako dahil nakita ko ang mabuting pagkatao ni Mayor Estrada na hindi marunong magsalita ng masakit sa kapwa, palaging handang magpatawad sa mga
sumasalbahe sa kanya.

Ang totoo, hindi naman si Erap ang natalo sa eleksiyon, mas natalo ang Maynila.
allanpunglo@gmail.com