Kaya mo ‘yan, Comm. Guererro!

May 15, 2019

HINDI lang paghabol sa mga ismagler at iba pang “tax cheats” ang inaatupag ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Tahimik niyang  pinangungunahan ang reorganization ng Bureau of Customs (BoC) bilang parte ng kanyang 10-point priority agenda.

Liban sa restructuring program, prayoridad din ni Jagger ang automation ng BoC processes.

Palalakasin din niya ang cargo clearance and examination capabilities ng ahensiya.

Ganun din ang institutional at individual capabilities sa larangan ng intelligence at enforcement.

Hindi lang yan.

Bibigyan din ni Commissioner Guerrero ng incentives ang mga deserving at performing na opisyal at kawani ng BoC.

Dahil sa kakulangan ng tauhan, gusto pa ni Guerrero na i-fill up ang mga bakanteng plantilla position.

Marami kasing nagtataka kung bakit hindi kumuha ng dagdag na empleyado ang mga nakaraang administrasyon, samantalang may mga bakante namang plantilla positions.

Marami  pa naman ang gustong pumasok sa BoC  kabilang na ang mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho.

Kamakailan ay bumuo si Guerrero ng Regiönal Risk Management Units (RMUS).

Sa isang customs memorandum order (CMO), dinesignate ni Guerrero ang entry processing unit (EPU) sa bawat collection district bilang  regional risk management unit (RMU) sa ilalim ng BoC Risk Management Office (RMO).

“All collection district EPUs are hereby designated  as regiönal RMUS...pending the reorganization of the BoC,” ayon kay Guerrero.

Ang trabaho ng RMU ay i-monitor at siguraduhin ang feedback  “on the performance of customs control treatments and interventions on cargo.”

Ang executive order 836, na inilabas noong Oktubre 20, 2009, “institutionalized” BoC’s Risk Managememt Group and transformed it into the RMO.

Alam ni Guerrero na kailangan niyang takpan ang lahat ng tax leakages para maabot niya ang mataas na assigned tax take ng BoC sa taong ito.

Sa tingin nga ng maraming waterfront stakeholders, talaga namang napakalaki ng BoC revenue target na P677 bilyon sa taong ito.

Bilang isang dating heneral ng militar, dapat  sumunod sa utos ng superior.

Kailangan talagang doble kayod ang gawin ni Sir Rey.

Kaya mo ‘yan, Comm Guererro!

***

Tapos na ang halalan.

Tigilan na ang batuhan ng putik at magkaroon na lang na maayos na turnover para naman makapagtrabaho ang mga nanalong kandidato.

Ito ay kung talagang hangad natin ay kapakanan ng taumbayan at bayan.

Walang mangyayari kung pulos bangayan at away ang gagawin.

Para sa mga natalo, “pahinog” muna kayo, tutal sandali lang naman ang tatlong taong hihintayin bago ang susunod na eleksyon sa 2022.

***

Malapit nang magbukas ang  mga klase sa...

mga pampublikong paaralan, kailangang magtulung-tulong tayo sa paglilinis sa mga paaralan.
Linising mabuti ang paligid ng mga school building.

Alisin ang mga pinamumugaran ng mga daga, lamok at ipis na nagdadala ng ibat-ibang sakit na katulad ng dengue at leptospirosis na parehong nakakamatay.

Huwag nating iasa sa gobyerno ang paglilinis sa kapaligiran dahil tayo ang mabibiktima kapag marumi ang ating kapaligiran.

Hindi ba, Health Secretary Francisco Duque?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)