Kumusta na nga ba si Gen. Segovia?

ISANG mensahe ang natanggap natin kahapon mula sa ating kaibigan na si BoC spokesman, Atty. Jett Maronilla, kaya… “BASA!”

“Good morning.

“The Bureau of Customs has received reports that the release of imported masks are allegedly being held at Customs.

“We would like to ensure the public that this is not true.

“At the start of the COVID-19 outbreak, the commissioner of Customs gave specific instructions to all ports and concerned offices to expedite the clearance and release of masks and other emergency supplies.

“Thank you.”

Translation? Hindi nakatutulong sa pagsisikap ng pamahalaan na malabanan ang naturang sakit ang ganitong mga ‘fake news;’

Hindi rin nakabubuti sa kapakanan ng lahat na gumawa ng mga “tsismis” para lang palabasin na may mga ahensiya ng pamahalaan na hindi ginagawa ang kanilang tungkulin sa harap ng isang mapaminsalang sakit.

Ipinapakita lang ng ganitong mga sablay na birada na para sa ilan nating kababayan, tila mas gusto pa nilang maghasik ng gulo at pagkakahati-hati kesa isulong ang ating pagkakaisa.

At bakit naman hindi, samantalang para sa kanila, “mas magulo” ang ‘Pinas, mas pabor sa kanilang personal na interes, tsk,tsk,tsk!

***

Muli nating binabati at pinasasalamatan ang Civil Relations Service (CRS) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang ginawang ‘courtesy call’ sa National Press Club (NPC) noong nakaraang Miyerkules.

Pinangunahan nitong ating kaibigan na si Major Frank Sayson ang grupo ng mga batang opisyales ng CRS- NCR na siya na pala ang bagong “bosing” habang si Pang. Lakay Gonzalo naman ang nanguna sa panig ng NPC.

Matagal na rin nating kilala at itinuturing na kabigan si Major Frank, na una nating nakadaupang palad sa termino ni Phil. Army M/Gen. Jorge ‘Big Brother’ Segovia, noong siya pa ang brigade commander ng 2nd ‘Unifier Brigade’ at commander ng ‘2nd Infantry ‘Jungle Fighter’ Division.

At bilang bagong CRS-NCR commander, naniniwala tayong mahusay na magagampanan ni Major Frank ang bago niyang misyon—sa tulong ng National Press Club, hehehe!

At kumusta na nga rin kaya si Gen. Segovia, ang isa sa mga pinakamagaling at totoong opisyal ng Philippine Army na nakilala at naging kaibigan natin?

Ang ibig kong sabihin sa “totoo” eh, itong si Gen. Jorge ang taong hindi plastik, hindi bolero at hindi sinungaling. Hindi rin ito makasarili at sadyang “ibang klase” ang estilo ng pamumuno.

Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ‘near collapse’ ang Melito Glor Command at ang CPP-NPA sa buong Southern Tagalog dahil sa ibang estilo ng kanyang pamumuno.

‘Yun bang… hindi siya “utak pulbura” na kung puwedeng maresolba ang problema sa diplomasya, eh, bakit kailangang magbarilan pa ang mga sundalo at mga komunista?

Napansin pa nga natin na nagawa niyang ‘i-collapse’ ang MGC/NPA pero mabibilang mo naman sa daliri ang mga ‘military encounters’ ng militar at rebelde, yeheyy!

Ang mga “aral” na “naligom” ng militar sa matagumpay na kampanya sa Southern Tagalog ang mga “aral” na ipinapatupad at “kinikinis” ngayon sa Mindanao, ang huling “balwarte” ng armadong komunista sa bansa.

Translation? ‘Yung mga ipinatutupad ngayong kampanya at programa laban sa mga NPA sa Mindanao, aba’y matagal na nating “napanood” ang mga yan, sa Calabarzon, noong panahon ni Gen. Segovia, alright!

Oops! Binabati na rin natin si B/Gen. Rommel Tello ng 9th Infantry Division sa kanyang promosyon.

Isa sa mga “tahimik” subalit epektibong opisyal ng Phil. Army itong si Gen. Tello, dear readers.

At tingan mo nga naman, Mary Ann Travilla Tello, hindi ba?

Aber, noong makilala ko ang ‘daddy’ mo, aba’y dalawang “bolitas” pa lang ang “nakabalandra” sa balikat niya, ngayon, “estrelya” na, kaya, yeheyy!

Translation? Eh, “mangumbida” ka naman d’yan sa 902nd Brigade mo at samahan mo na rin ng malamig na “serbesa,” hehehe!

Abangan!