Home>Editorial>Opinion>Legal na ba ang sabong sa Bulacan?

Legal na ba ang sabong sa Bulacan?

TANONG ito ng mga tagasubaybay natin sa lalawigan ni Bulacan Governor Daniel Fernando dahil halos araw-araw, sandamakmak na mananabong ang dagsa sa iba’t ibang sabungan sa naturang probinsiya.

Gusto kong idirekta ang sumbong sa magiting na direktor ng Bulacan Police Provincial Office na si Col. Lawrence Cajipe dahil kailangan niyang aksiyunan agad ang ganitong uri ng impormasyon bago pa man sumugod ang mga taga-PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Diumano, isang nagngangalang Ricky ang nagpapakilalang taga-PNP para mangolekta ng P52,000 tuwing kinsenas at katapusan sa lahat ng sabungan.

Ang kapalit na proteksiyong ibibigay daw ni Ricky ay puwede nang pumasok sa loob ng sabungan ang lahat ng ‘sabong afficionados’at manood ng live, tumaya ng live at magsisigaw sa loob at labas ng rueda.

Take note, hindi ito sabong on-line, kundi live na sabong sa iba’t ibang sabungan sa Guiguinto, Malolos, Norzagaray, Bgy. Catolinan, Baliwag; Angat, San Roque, San Rafael, San Miguel, Sta. Maria at Bulacan, Bulacan.

Ang direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF), puwedeng magkaroon ng sabong pero walang ibang tao sa sabungan kundi ang tagabitaw ng manok at ‘kristo’ lamang – base na rin sa ipinatutupad na ‘health protocol’ dahil sa COVID-19.

Kahit tupada, si Ricky ang sinasabing pasimuno at pati sugal lupa na ‘derby ng gagamba’ ay pinapatulan pa nitong hingan ng ‘tongpats.’

Kung bakit ganito kalakas ang loob ni Ricky, bukod tanging si Col. Cajipe na lamang ang makakasagot dahil alam kong hindi papayag ang magaling na opisyal na madungisan ang kanyang pangalan.

Lalo’t malaki rin ang tiwala sa kanya ng isa pang lodi nating director ng Police Regional Office (PRO) 3 na si Gen. Val de Leon.

***

Sa Pampanga ay tuloy naman ang pag-iikot ni Pilay sa lahat ng iligalista sa probinsiya. Matagal na nating nasusulat itong si Pilay pero hindi ko alam kung bakit ‘untouchable’ ito.

Siguro, dapat ding kumilos ang mga kaibigan nating sina National Bureau of Investigation (NBI) officer-in-charge director Eric Distor at NBI-Bulacan chief Noel Bucaling kasi kahit sila ay ginagamit ang pangalan ni Pilay.

Si Pilay ay taga-Porac, Pampanga.

Naniniwala tayong kikilos agad sa ganitong uri ng sumbong sina Pampanga PD chief Col. Castil at NBI Bulacan chief Bucaling.

Sana maaresto nila si Pilay agad-agad!

***

Sa Quezon City, may nagpapakilala na ring kolektor na may alyas Cris at Baby Brutus.

Malinaw ang unang direktiba ni PNP chief Gen. Debold Sinas, bukod sa pagsugpo sa krimen at giyera kontra droga, pati illigal gambling ay tablado sa PNP ngayon.

Reklamo kay tserman!

Tawagan na rin natin ng pansin si Chairman Rene Aclado ng Bgy. 86 sa lungsod ng Caloocan.

Araw-araw daw kasing ginagamit ang multicab ng barangay bilang panghakot sa mga panindang ‘frozen meat.’

Base sa sumbong, may tindahan umano si Tserman sa William Shaw Street, corner B. Serrano at pati isang basketball court ay ginagawa na rin daw ngayon bilang ‘pay parking.’

Nagtataka ang mga taga-Caloocan dahil wala raw ginagawang aksiyon si Caloocan Traffic chief Larry Castro hinggil dito.

Chairman Aclado, sir, ‘wag po kayo magagalit sa akin.

Gusto ko lang po iparating sa inyo na may ganitong uri ng sumbong. Ngayon, kung hindi po totoo, patunayan n’yo na lang po lalo’t umiinit na ang pulitika sa lungsod ngayon dahil tiyak ibabala iyan ng mga kritiko laban kay Mayor Oca Malapitan. Eh alam pa naman kasmala kay Mayor Oca!

Sana, sa mga binanggit kong pangalan sa artikulong ito ay ‘wag silang ma-bad trip sa inyong lingkod dahil ‘constructive criticism’ lang naman po ang gusto nating iparating! Mas maganda pong maging ‘response’ ninyo ay aksiyunan ang mga nabanggit na sumbong.

Peace po sa lahat!

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large