Libel case, huwag gawing “drama”

“MATAGUMPAY” na “naisulong” ni Ms. Maria Ressa ng Rappler ang kanilang kampanya na ang kanyang ‘criminal conviction’ sa kasong ‘cyberlibel’ noong Hunyo 15, ay isang “atake” sa kalayaan sa pamamahayag sa ating bansa at isa na namang “bigwas” sa ating demokrasya.

Ang “tagumpay” na tinutukoy natin dear readers ay ang ‘foreign media’ at ang ‘foreign market’ (translation: ang mga dayuhan) na bistado namang “kakampi” ni Ressa at ng Rappler sa kanilang pakana na siraan, guluhin at pabagsakin ang gobyernong Duterte—kasehodang madamay ang buong sambayanang Pilipino.

At dahil matagal nang “bistado” ng mga Pinoy, dito sa ating bansa ay wala namang malawakang suporta sa kanyang masaklap na karanasan—maliban sa hanay ng mga “ULOL”— ‘United Leaders of the Liberals and the Opposition,’ ang bagong “acronym” ng pinagsanib na grupo ng mga komunista, Dilawan at mga bayarang tuta ng CIA sa loob at labas ng media.

Na sadyang ang kaso lang ni Maria Ressa ang “pinalaki ng husto” ng mga kalaban ng gobyerno at ng ating demokrasya ay malinaw naman sa lahat.

Aber, kahit nga ang ating sistema ng hustisya at ang presiding judge sa kanyang kaso, si Hon. Ranielda Estacio-Montesa ng Branch 46, Manila RTC, pinukol nila ng masasamang akusasyon para lang makadagdag sa kanilang “drama.”

Kaya nga sa ganang atin, wasto at napapanahon ang inilabas ng PJA—Philippine Judges Association—kung saan pinaalalahanan ang lahat, partikular ang kampo ng mga ULOL, na hindi dapat “binabastos” ang ating mga korte at sistema ng hustisya dahil lang “olat” sila sa kaso.

At ano nga ulit ang kanilang drama? Na “biktima” si Ressa ng administrasyon ni Pang. Rody—na wala namang kinalaman sa reklamo ng isang pribadong tao, ang negosyanteng si Wilfredo Keng. Talaga rin naman!

Na talaga ring “kapritso,” ehek, ang punto de bista lang nitong mga ULOL ang palaging gusto nilang manaig ay makikita rin sa dalawa pang kaso ng libel laban sa mga kasapi ng media subalit hindi nila binigyang pansin.

Sabagay nga, bakit ba nila papansinin eh… “panalo” ang mga akusado, aber?

Ang tinutukoy natin ay ang ‘5-counts of libel’ na “binuno” ng may pitong taon (simula 2013) ng ating “bosing” na si Gus Villanueva at PJI entertainment writer, Ferdinand Aquino.

Sa inilabas na ‘joint decision’ ng Branch 205 ng Muntinlupa RTC noong Hunyo 26, “absuwelto” ang ating mga bosing sa kasong isinampa ni boxing champion, Nonito Donaire.

Pansinin lang natin na sa 7-taon na “itinakbo” ng kaso, kahit mismo si Boss Gus, bilang beterano at respetadong mamamahayag at editor, ay hindi naman nagbato ng akusasyon na ang isinampa ni Donaire ay “pag-atake” sa media nang noon ay administrasyon ni Pang. Noynoy Aquino (NOT Gloria Macapagal ARROYO).

And take note, ‘5-counts’ pa yan, samantalang ang kay Ressa ay ‘one count’ lang pero kulang na lang ay “maglupasay” sa paghahanap ng mapapagbintangan sa kanyang ginawang “kasalanan.”

Noon namang Hunyo 23, nalaman din natin na absuwelto rin sa ‘2-counts of libel’ si Jerry Yap, ang ‘publisher’ ng Hataw, sa kasong isinampa naman sa kanya at mga kasamahan niya sa Hataw ni ngayon ay Maj Jun Ibay ng MPD.

May katagalan rin ang itinakbo ng kasong ito subalit katulad ni boss Gus, hindi rin naman “ibinalik” ni Jerry Yap ang “sisi” sa gobyerno kahit pa nga isang opisyal ng PNP ang nagreklamo.

Hanggang ngayon ay patuloy na dinidinig ang ‘sandamakmak na kasong libel ni NPC lifetime member at beteranong mamamahayag na si Ramon ‘Mon’ Tulfo.

Subalit, katulad ng ibang mamamahayag na "tanggap" ang kasabihan na ‘it goes with the territory’ ang makasuhan ng libel, hindi rin natin nalaman na sa tuwing dadalo sa ‘court hearing’ si “Kuyang” Mon Tulfo ay “sanrekwa” ang kasama niyang media at television crew para lang maipalam sa buong mundo na may kaso siyang libel.

Ilan sa mga nagsampa ng kaso kay Kuyang Mon Tulfo ay mga ‘appointees’ pa nga ni Pang. Rody pero, hindi natin siya narinig na nagbintang na ang kanyang mga kaso ay “panggigipit” sa kanya ng administrasyon.

Translation? Ang makasuhan ng libel ay bahagi na ng buhay media, remember that, Ms. Ressa. Kumbaga, “pangkaraniwan” na ‘yan!

At hindi lang ikaw ang unang nakasuhan niyan, hane?

Kaya puwede ba, tigilan mo na ang estilo mong ginagawa mong “drama” ang iyong kaso na “ordinaryo” nang pangyayari sa kahit sinong kasapi ng media sa ‘Pinas.

Oops! Hindi nga pala mga Pinoy ang ‘target audience’ mo sa iyong mga drama, bagkus ang mga kakabayan mong Amerikano, katulad ni Hillary Clinton at mga koneksyon mo sa CIA at Omidyar.

Eh, kung “sila” pala naman talaga ang mas importante sa iyo, bakit hindi ka na lang bumalik sa ‘Tadong Unidos ‘to be with your own kind,’ wika nga. "Subukan" mo at ng malaman mo na walang "manghihinayang" sa pagkawala mo sa Philippine media.