LRT 1 passengers nasa mabuting kamay

January 22, 2020

TIPIKAL sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Kung araw-araw kang nagco-commute para pumasok sa eskuwela o makarating sa iyong trabaho, pipiliin mo syempre na sumakay at makipagsiksikan sa tren partikular sa Light Rail Transit (LRT) 1.

Kahit na kadalasan ay siksikan, bawas stress naman ito sa grabeng kunsumisyong dala ng matinding bigat ng daloy ng trapiko. Ubos na nga ang oras mo sa pagtunganga at kahihintay na umusad ang mga sasakyan, ang lagkit pa ng pakiramdam mo dahil sa natuyong pawis sa katawan.

Kung aware kayo sa operasyon ng LRT 1, siguradong naramdaman ninyo ang pagbuti ng serbisyo nito kaya nga nakakuha ito ng ISO certification 9001;2015 at 14001:2015 sa loob lang ng dalawang taon simula nang pangasiwaan ito ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) noong Setyembre ng 2015.

At dahil ito ang pinakaligtas na train line sa bansa, hindi nakapagtataka na pumalo na sa mahigit 450,000 ang mga pasaherong sumasakay sa LRT 1 araw-araw.  Sabi nga ng mga pasahero, in good hands sila sa serbisyo ng LRT 1.

Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, nag-effort  ng sobra ang LRMC dahil kaligtasan at buhay ng mga pasahero ang nakasalalay sa kanilang operasyon.

Sa loob ng nakalipas na apat na taon, gumastos ang LRMC ng mahigit sa P1 bilyon para ayusin ang mga structural defects ng tren para masiguro na magiging matatag at ligtas ito sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol o malakas na bagyo.

Pinalitan din ang parapets ng tren para maiwasan ang panganib dulot ng pagbagsak ng mga bitak ng semento. Umaabot din sa P 465 milyon ang ginugol ng LRMC para mapalitan ang 26km na riles sa kahabaan ng LRT 1. Ang resulta: nagbunga ito nang mas banayad at higit na mabilis na biyahe para sa lahat.

Tiniyak talaga ng pamunuan ng LRMC na hindi sasablay ang operasyon ng LRT 1 kaya nga gumastos pa sila ng P650 milyon para sa rehabilitasyon ng electrical sub-stations at ng mga luma at sirang bagon.

May ibang bagon pa nga na akala mo ay nasa loob ka ng isang library dahil sa disenyong mga libro na akala mo ay nakahilera sa mga book shelves. Bukod dito ay inayos din ang mga brakes ng tren pati na rin ang mga pintuan at airconditioning system nito kaya naman  hindi ka mag-aamoy-araw kahit gabi na at pauwi na kayo sa inyong mga tahanan.

Akala ninyo ba ay nakatuon lang ang LRMC sa pagpapabuti ng kondisyon ng tren?

Aba eh kinumpleto po ng LRMC ang rekado sa pagsasaayos sa operasyon ng LRT 1 at pati ang kanilang mga empleyado ay isinailalim nila sa pangkalahatang safety training course para ma-institutionalize ang safety policies and procedures sa pang-araw araw na gawain sa traffic management, station operations, at train operations.

Kwidaw din diyan ang mga magtatangka ng masama dahil tiyak na mahahagip kayo sa karagdagang 560 CCTVs na naka-install  sa mga stations at depot sa Baclaran. O di ba, mas malawak ang natatanaw ng mga security personnel sa mga pasilidad kaya maglubay diyan ang mga masasamang-loob na gumawa ng hindi maganda sa mga pasahero.

Salamat din sa epektibong pamamahala ng LRMC dahil sinikap talaga nilang madagdagan ang bilang ng mga bumibiyaheng light rail vehicles (LRVs) o mga bagon.

Mula sa unang 77 bagon noong 2015, umaabot na ngayon sa 116 ang tumatakbong bagon sa LRT 1 kaya naman umiksi ang pila pagsakay ng tren at ang oras sa pag-aantay ng mga pasahero. Ang bilang ng minuto sa pagitan ng mga paparating na tren ay bumaba ng mula sa mahigit 5-minuto hanggang sa kasalukuyang 3.5 minuto na lang.

Maaasahang schedule at mas maraming biyahe sa isang araw, saan pa ba tayo?

Pinahaba ang oras ng operasyon ng LRT 1 ng mula alas 4:30 ng umaga hanggang 10:15 ng gabi pag weekdays kaya naman hindi ka kakabahan sa pag-uwi dahil mabilis ka rin namang makakarating sa bahay.

Plano pa pong ipatupad ng LRMC ang iba pang pagbabago tulad ng paglalagay ng wifi sa mga istasyon at pagpapabilis ng takbo ng tren mula 40 kph patungong 60 kph.

Ka-ganda hindi po ba? Kung wala kang load para makapag-text sa mga mahal ninyo sa buhay, to the rescue ang wifi sa tren para magawa ninyo ito.

Ang LRT 1 po ay tumatakbo mula Roosevelt station sa Quezon City hanggang Baclaran Station sa Pasay at dumadaan din sa mga lungsod ng Caloocan at Maynila.

Problema sa trapiko? Sagot po yan ng LRT 1 kaya nga para sa isang tipikal na pasahero, hayahay ang buhay kung sa LRT 1 ka sasakay.

Para sa mga komento at suhestiyon magtext sa 09175841714 o mag email sa tesslardizabal@yahoo.com.