Mag-aral muna bago maging ‘Suwapang!’

MALINAW, direkta at malaman ang payo ni Senate Minority Leader Franklin Drilon (LP) sa mga bagitong senador — mag-aral muna kung paano bumalangkas ng  batas bago mag-ambisyon na may kinalaman sa panunungkulan!

“Sasabihin ko nang diretso, bilang isang neophyte, yung pagpapalit ng liderato ng Senado ay malayo pa sa mandato natin iyan. Inihalal sila ng taumbayan para gumawa ng batas hindi kaagad na sumalpak sa leadership quarrel,” ani Drilon.

Tugon ito ng senador hinggil sa hindi matigil na isyu na posibleng palitan si Senate President Tito Sotto (NPC) ni Senador Cynthia Villar (NP) na ipinalutang ni neophyte Senator Francis Tolentino.

“We should work first and show our people that  we are worth the mandate that we received from them. The Senate leadership can always come any time of the day,” sabi ni Drilon sa radio interview ng DZBB.

Si Drilon, bukod kina Sotto at Senate Pro-Tempore Ralph Recto (NP), ang isa sa pinaka-senior na mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong papasok na 18th Congress.

Ayon sa kanya, noong baguhan pa lang siya, taong 1995, may palitan din sa puwestong nagaganap sa Senado noon nang magplano si dating Senador Leticia Ramos-Shahani na patalsikin si Senate President Edgardo ‘Edong’ Angara, Sr.

“Ako bilang baguhang senador ay nanonood lamang on the ‘leadership fight,’ dahil nire-recognize natin na iyan ang tradition sa Senado na kinikilala ang seniority. That’s a reality that a neophyte senator must accept,” anang senador.

“Unless Sen. Sotto committed a mortal sin, I don’t think any senior senator will care to listen to a neophyte senator if he or she moves to campaign for a change of leadership,” dagdag pa nito.

Bilang namumuno sa minorya, kinikilala ni Drilon ang maayos na liderato ni Sotto dahil parehas aniya ang trato nito sa kanila, gayundin sa ‘majority bloc.’

Sa ilalim ng Sotto leadership, ang Senate ay nakakuha ng 72 percent satisfaction ratings, pinakamataas sa kasaysayan ng Kongreso ng bansa.

“His leadership has been good. He treats every one fairly. He knows that he is the president of the Senate and not just of the majority and he listens to every one,” sabi pa ng beteranong mambabatas na apat na beses ding naging Senate President.

Isang resolusyon ang inihanda ni Senador Ping Lacson para pirmahan ng mga kasamahan bilang pagpapakita ng suporta sa liderato ni Sotto bilang SP sa pormal na pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress ngayong Hulyo 22.

Sagot din ito ng mga ‘senior senator’ hinggil sa banta ni Tolentino na malaki ang puwersa ng Hugpong ng Pagbabago (HnP) senators para palitan si Sotto bilang SP.

Ibinunyag naman ni Lacson na nag-text umano kay Sotto si Senator Imee Marcos at si Tolentino ang itinuro umano nito na humihikayat kay Villar para i-challenge ang pamumuno ni Tito Sen bilang SP.

“So humingi siya (Marcos) ng paumanhin kay SP (Sotto) at sabi misunderstanding lang iyon,” ani Lacson sa panayam naman ng DWIZ.

Para sa mga beteranong senador, hindi maganda ang ‘ipinapakita’ ng mga papasok na baguhang senador dahil una ay  hindi pa sila nakauupo nang pormal bilang senador.

Pangalawa, hindi rin umano magandang tingnan na baguhan  pa lang ay mag-uumpisa  nang makipagbarakuhan sa mga ‘nakatatanda’ sa kanila sa Senado.

“Ako hindi ko maintindihan yan. It has never...