Home>Editorial>Opinion>Magandang anti-COVID efforts may room for imrovement pa

Magandang anti-COVID efforts may room for imrovement pa

BUMUBUTI” na raw ang paghawak ng Department of Health (DOH) sa problema ng bansa sa pandemya ng COVID-19, ayon kay Secretary Francisco Duque, sa kanyang ulat kay Pangulong Digong noong Lunes. At ito ay batay sa sandamakmak na datos na ibinigay ni Secretary Duque sa mahal na pangulo na “ mas maliit” na bilang na lamang umano ng mga aktibong kasong meron sa bansa kumpara sa ating mga karatig-bansa gaya ng Malaysia, Indonesia at Singapore.

Ayon naman sa mga miron, dahil hindi na “lumolobo” ang bagong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi ibig sabihin nito ay mabuti na ang nagiging paghawak ng DOH sa sitwasyon.

Kumbaga, there is still a lot of room for improvement. At naniniwala tayong alam din ito ng ating butihing kalihim.

Na mas dapat ayusin ng DOH ang mga polisiya nito at rekomendasyon ay dahil na rin sa nangyaring “mutation” ng COVID-19 na ‘andami na ring “variant” ngayon.

Inaasahan na ngayong linggo at sa mga susunod pang linggo, ang pagdating ng mga bakuna laban sa COVID-19 at dapat lang naman na ang sunod na tingnan ng DOH ay “kung epektibo” rin ba ang mga ito sa mga bagong variant ng nasabing virus?

Translation? Mas mainam na makapagbuo ng sariling kakayahan ang DOH na malaman kung “orig” o variant ang mas malaki nating “kalaban” sa mga susunod na araw.

Ang mga bagong variant na ito ay sinasabing mas nakakahawa ayon sa mga eksperto. Katunayan, bumalik sa lockdown ang ibang mga bansa doon gaya ng the Netherlands.

Kung sa orihinal na COVID-19 ay hirap na ang DOH, paano pa ang bagong variant kapag pumasok sa bansa na walang sapat na paghahanda ang ating gobyerno, aber?

Halimbawa kasi, nabasa natin sa mga mapagkakatiwalaang ‘news sources’ na sa variant na kumakalat ngayon sa Africa, “hindi epektibo” ang bakuna ng ‘AztroZeneca’ at kahit ang mga bakuna galing sa China.

May mga bahagi ng Africa na ‘tropical zone’ katulad natin dito sa Pinas at mainam para sa atin— at magiging “mas matipid”— na malaman natin kung alin talaga ang mas “mabisa” na bakunang kailangan natin.

Sa tulong na rin ng ginawang ‘contact tracing’ ng DOH at iba pang impormasyon, alam na natin ngayon na andito na sa ‘Pinas ang bagong variant at sana syempre huwag na itong kumalat pa.

Pero kung nagkataon, anong plano ba ang nakahanda na ginawa o ginagawa ng DOH para dito? At ano ba talagang variant ang nakapasok na sa ‘Pinas?

At aminin man ng DOH o hindi, sa tinagal-tagal ng lockdown na ating naranasan, maraming Pinoy ang hindi “bumilib” sa naging pagtugon nito sa naging problema natin sa orihinal na COVID-19.

Lumobo ang bilang ng mga nagkaroon nito. Maging ang mga ospital ay kailangan pang magsara upang makapagpahinga ang health workers na walang naging pahinga sa pagtugon nila sa pandemya.

Tila nasanay na lamang ang mga Pilipino na nariyan ang COVID-19.

Nagkasya sa paglalagay ng face mask, face shield at paggamit ng alcohol.

Malaki ang ating paniniwala na maraming bilang ng mga Pilipino ang naging asymptomatic at gumaling na lamang na hindi nagpapa-test. Dahil unang-una, hindi nagkaroon ng mass testing lalo na sa mga naging unang tala pa lamang sana noon ng mga kaso ng COVID-19.

Sa pagkakataong ito, naniniwala tayong may panahon pa upang “makabawi” ang DOH sa pananaw ng mga Pinoy.

Tandaan natin na ang kapalpakan ng DOH ay nagiging kapalpakan ng administrasyon. At gusto nating maniwala na may batayan ang patuloy na pagtitiwala ni PDU30 kay Sec. Duque.

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight