Home>Editorial>Opinion>Maganes murder “pinalalabnaw”?

Maganes murder “pinalalabnaw”?

BAGO ang lahat, isa munang mainit na pagbati, sa ‘Birthday Boy’ (kahapon) ng ating pambansang pulisya, si P/Lt.General Guillermo Tolentino Eleazar.

Na sadyang ‘People’s Choice’ si ‘Gen. Guillor’ at tunay na “ehemplo” ng matino at matapat na paglilingkod sa bayan ng ating mga pulis ay makikita sa ‘flood of greetings’ na nakita natin sa social media.

Sa ikatlong pagkakataon (at marahil, uulitin pa nila) ay “naestafa” si Gen. Eleazar sa posisyon bilang Chief PNP, huhuhu!

At any rate, talagang ganyan ang buhay, dear readers. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananaig ang kubutihan.

Ano man ang mga susunod na kabanata, hindi na marahil basta maaalis sa isipan ng mga Pinoy na may isang pulis, si General Eleazar, na naging bahagi ng ating pambansang pulisya. He has already made his legacy of good, faithful and professional service to our public and our Republic even at this point in time.

Mabuhay ka, Pare!

***

Mukhang “inaangguluhan” na agad ng ilang opisyal d’yan sa Pangasinan ang pagpatay kay Virgilio Sarmiento Maganes sa bayan ng Villasis noong Martes, Nobyembre 10.

Dangan kasi, ilang minuto lang matapos mag-usap si Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director, Joel Sy Egco, PRO-1 RD Rodolfo Azurin at Pangasinan PD Redrico Maranan, sinabi sa atin ng ating mga “kapatid” sa media na “ipinagkalat” na agad nitong si PD Maranan na ‘not work-related’ ang pagkamatay ni Maganes dahil “matagal” na siyang wala sa media.

Ang posisyon ni PD ay taliwas sa “napagkasunduan” ng task force at ni RD Azurin na sa ngayon ay ‘work-related’ ang nasa likod ng pagpaslang kay Maganes.

Sa ngayon kasi ay sinasabing “pulitika” (read: pulitiko) ang dahilan ng pagpatay kay Maganes, ayon sa ating mga miron, bagaman may dalawa pang “anggulo” na sinisilip ang mga imbestigador.

At kung maipilit naman nitong si PD Maranan ang kanyang kapritso, ehek, anggulo, na hindi work-related ang pagkamatay ni Maganes, ibig bang sabihin hindi na nila ito bibigyan ng prayoridad at babagsak na lang sa sandamukal na ‘unsolved cases’ na nasa kamay ng PNP?

At kailangan bang “itaboy” ni PD Maranan palabas ng Villasis SB Building ang mga dumating na media na naghihintay sa pagdating ni RD Azurin at Usec. Egco?

Kanya ba yan? Hindi ba public building yan? O sadyang walang respeto sa media at kahalagahan ng media ang mga opisyal na katulad nitong si PD Maranan?

***

Hindi lang naman sa Pangasinan nakararanas ng pambabastos ang mga kasapi ng media; karanasan din ito ng ating mga “kapatid” kahit sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan.

At harinawang hindi maging masahol ang relasyon ng media at PNP ngayong si Gen. Debold Sinas na ang Chief PNP.

Alam naman kasi ng karamihan sa media na ‘unapproachable’ si Gen. Sinas dahil hindi katulad ni Gen. Eleazar at ex-Chief PNP Nick Bartolome na ‘welcome’ ang lahat ng media, mayroon siyang “tinitingnan” at “tinititigan.

Nangako” naman si Gen. Sinas na ngayong siya na ang Chief PNP, ipatutupad niya ng maayos ang mga batas.

Alright, Gen. Sinas, sir. Simulan mo sa pagresolba sa mga kaso ng media killing at pagpapaganda ng relasyon ng media at pulis.

‘Yan kasi ang dapat at nararapat dahil ang pulis at media, parang “mag-asawa” na magkasama sa hirap at ginhawa!

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight