Home>Editorial>Opinion>Maigting na paghahanda sa kalamidad

Maigting na paghahanda sa kalamidad

ISA sa pinakamatinding nagiging kalaban ng lahat ay ang pananalasa ng iba’t ibang kalamidad lalo na ang malalakas na bagyo na kahit ayaw natin ay hindi nating mapigilang pumasok sa ating bansa.

Tulad ngayon, halos oras-oras na ang babala ng Pagasa laban sa Bagyong Rolly na ngayong taon ay itinuturing nang pinakamalakas na bagyo gayundin sa kasunod nitong Bagyong Siony.

Sa gitna ng kinakaharap nating COVID 19 pandemic, sadyang napakabigat kung mabibiktima rin tayo ng mga kalamidad ng pagbaha dulot ng bagyo.

Kaya naman napapanahon ang panawagan ni Senador Grace Poe para sa mas maayos na pagtugon laban sa mga kalamidad at agarang pagtulong sa mga biktima ng pagbaha sa gitna na rin ng pandemya.

Isa sa dapat paghanda ang mga lalawigang posibleng malubog sa baha at ang posibiidad ng pagdagsa ng mga apektadong residente sa mga evacuation center.

Walang ibang aasahan ang ating mga kababayan sa gitna ng kalamidad kundi ang agarang saklolo ng buong galamay ng gobyerno,” paalala ni Poe.

Una na ring inihan ng senador ang Senate Bill No. 124 o ang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act” na nagsusulong ng mas malawak na tungkulin sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Poe na dapat tutukan ng mga lokal na pamahalaan hindi lamang ang pagrecover ng mga biktima ng bagyo kundi upang muling itayo ang mga komunidad at tiyaking mas matibay ito laban sa mga susunod na kalamidad.

Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management na sasakop din sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang kagarawan ay pamumunuan ng isang Secretary na siya ring responsanle sa mga programa at aktibidad para maging disaster-resilient ang bansa.

Sa katatapos na pananalasa ng Bagyong Quinta, 12 mangingisda ang napaulat na nawawala sa Catanduanes habang winasak ang ilang kabahayan at mga imprastraktura sa Pola, Oriental Mindoro.

Bago ang Quinta, nanalasa rin ang Bagyong Pepito na nakaapekto sa Cagayan Valley, Calabarzon at Central Luzon.

Napakahirap para sa mga nagdarahop na pamilya na lumikas sa kani-kanilang tahanan bunsod ng bagyo at sa gitna pa ng pandemya,” diin ni Poe.

Isa sa matinding nasalanta ng bagyo ang Lopez, Quezon kaya’t nagpadala rin si Poe ng kanyang grupo upang tumulong at mamahagi ng relief packs sa pamamagitan ng Panday Bayanihan.

Marami sa mga magsasaka sa lugar ang nawalan ng pananim dahil sa hanggang baywang na tubig na baha.

Kasama sa mga ipinamahagi ng grupo ni Poe ang limang kilo ng bigas, mga delata tulad ng corned beef, meat loaf, kasama pa ang noodles at kape.

Sa average na mahigit 20 bagyo na pumapasok sa bansa kada taon, sadyang nararapat na magkaroon na ng isang ahensya na tututok sa pagtugon ng gobyerno sa mga kalamidad.

Dapat natuto na rin ang marami sa mga pinagdaanan nating mga pananalasa ng iba’t ibang bagyo at mas pag-ibayuhin pa ang paghahanda at pagtugon.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large