Manila International Container Port - X-Ray Inspection ‘namumuro’ na kay Comm. Jagger?

MUKHANG “tumitindi” na ang estilong ‘Game of Thrones’ na “away” ng ilang mga opisyales sa Bureau of Customs (BoC), mga kabayan

Sinusulat kasi natin ito, may natanggap tayong isang artikulo mula sa isang ‘news website’ kung saan isa ring Aduana official, na binansagan naman na ‘Mr. Dinosaur’ ang “binanatan” dahil pa rin sa gasgas na isyu ng katiwalian sa panunungkulan.

Kumbaga, “literal” na “tumaas” ang “antas” ng nasabing away dahil mula sa “print” at “broadcast media,” “nasa cyber space” na ngayon ang kanilang “batuhan” ng bintang at akusasyon.

‘Yun nga lang, kung walang naipakitang pruweba laban sa mga “nabiktima” noong Biyernes ang nabasa nating artikulo na “mahilig” sila sa mga mamahaling relos bilang ‘status symbol,’ sa “upak “ dito kay Mr. Dinosaur, ipinakita ang kanyang suot na relos mga kabayan.

Anong relos? Isang ‘Rolex Submariner 18K Gold Black Ceramic’ na ang halaga, ayon pa rin sa artikulo, ay P1.5 milyon, wow!!!

Oh yes, Pang. Rody, “ganyan” pala “kasimple” ang pamumuhay nitong isa sa mga ‘appointee’ mo sa pantalan— relos pa lang, puwede nang iangat ang buhay ng ilang libong mahihirap na Pilipino, hehehe, ayy, huhuhu!

Sa ganang atin ay uulitin natin— hindi natutuwa sa mga ginagawa ninyo si Comm. Jagger Guerrero, hane?

Tandaan na ‘nung italaga siya ni PDU30 bilang customs commissioner noong Oktubre, kasama dito ang kapangyarihan niya na alisin at palitan sa puwesto ang sino mang opisyal ng Aduana-- kasehodang “astig” pa ang inyong mga ‘backer’ at kahit “ninong” pa ninyo si Pang. Rody.

At kung tama rin ang ating pagkaalam, sa pagpasok ni Comm. Jagger sa BoC, lahat ng mga ‘appointees’ at “binitbit” sa pantalan ng kanyang mga pinalitan sa puwesto, inatasang ‘mag-submit’ ng kani-kanilang ‘courtesy resignation.’

Ayon pa nga kay Pang. Rody noon, ang kanyang utos

Eh, kayo rin, hindi ba, mga kabayan? Baka “mapikon” ng husto si Comm. Jagger, biglang “maghanap” ng mga kapalit ninyo at “tanggapin” na ang mga ‘resignation letters’ ninyo, sino ang “kawawa,” hehehe!

Ang ating ‘parting words?’ ‘Behave’ na kasi kayo, mga bosing!

* * *

Sa nangyaring ‘meeting’ ng BOC noong Lunes, hindi na pala “naitago” ni Comm. Jagger ang kanyang “pagkapikon” sa mga tauhan ng ‘X-Ray Inspection’ (XIP), partikular na d’yan sa Manila International Container Port (MICP) sa pangunguna nitong si ‘Aris Cascalla.’

Ayon pa sa mga miron na nagsilbing “tahimik na saksi” sa insidente, hindi na umano itinago ni Comm. Jagger ang kanyang “pagkapikon” hinggil sa mga natatanggap niyang ulat na katiwalian sa XIP-MICP.

Sinusulat naman natin ito, natawag ang ating pansin sa sinulat ni kasamang Almar Danguilan kung saan inireklamo na sa media ang ginawang “pag-ipit” (daw) ng XIP-MICP sa isang kargamento at “pinakawalan” lang matapos “sumuka” ang importer ng P500,000.

Naniniwala naman tayong may bahid ng katotohanan ang mga ganitong reklamo dahil noong isang linggo rin, may nagreklamo rin sa atin na “inipit” din ng XIP-MICP ang isang kargamento at pinakawalan lang matapos namang “maghatag” ng P100,000.

Ilang beses na rin nating ipinaabot sa mga opisyal ang mga reklamo na natanggap natin hinggil sa mga kabalbalan ng XIP-MICP at marahil, sa “dami” nang reklamo na dumarating sa kanya, direkta nang sinabi ni Comm. Jagger na hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari, hehehe, ayy, huhuhu!

Kung bakit tila “ayaw” nang “magbago” nitong mga nasa XIP, hindi na talaga natin maintindihan, hindi ba mga kabayan? Wala na ba talaga kayong “kinatatakutan” ‘dyan?

Kung babalikan, ang  mga kabulastugan ng XIP ang dahilan kung bakit ilang tonelada na ng shabu ang matagumpay na nakapasok sa bansa sa termino ni Pang. Rody, hindi ba?

At lahat ng mga “nakapasok” na shabu, matagumpay na dumaan sa “tungki ng ilong” ng XIP-MICP, una, sa termino ni Comm. Nick Faeldon at ikalawa, sa termino ni Comm. Sid Lapeña.

Oops, sa ngalan naman ng parehas na pamamahayag, bukas ang pitak na ito para sa paliwanag nitong XIP kaya… abangan!