Masaya, malungkot na balita sa hanay ng media

October 21, 2019

“7th NPC – PHILRACOM Benefit Race, tagumpay!”

ITO ang ating paglalarawan, mga kabayan sa katatapos na ‘fund-raising project’ ng National Press Club (NPC) na idinaos natin noong Sabado, Oktubre 19, sa Manila Jockey Club Racetrack (San Lazaro) sa Carmona, Cavite.

At siyempre, hind ito magiging matagumpay kung wala ang mga kaibigan nating walang sawang sumusuporta sa ganitong mga proyekto ng NPC, sa pangunguna ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang pamunuan ng MJCI/San Lazaro. Dalawang magkasunod na taon na ngayon na ang MJCI ang “host” sa proyekto nating ito.

Muli, pinasasalamatan natin ang Container Bridge Phils. Inc., New San Jose Builders, City Mall Commercial Centers, Inc., Rep. Ronaldo Zamora, Cunanan Catering Services, Mr. Edward Vincent Diokno, at syempre ang lahat ng kasapi ng ‘Bayang karerista’. Maraming maraming salamat po sa inyo!

‘Last but not the least,’ ating mga “kapatid” na “maniniyot” sa ilalim ng Press Photographers of the Philippines (PPP), na nakiisa sa proyektong ito para din sa ating photo contest. Kaya naman abangan muli kung sinu-sino sa mga magagaling nating maniniyot ng kabayo ang papalaring magwagi ngayong taon sa ‘pa-contest’ na ‘sponsored’ pa rin ng Philracom.

Ang benefit race na ito ay pakikinabangan ng mga iskolar ng NPC na patuloy nating sinusuportahan. “Masaya” tayo dahil muli nating mapopondohan ang educational assistance para sa mga anak ng mga kapatid natin sa hanapbuhay.

Alam naman natin na kahit paano malaki ang maitutulong natin sa ating mga kasamahan na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa kolehiyo.  

Bilang kasama sa mga ‘most exploited sectors’ sa lipunan, “hindi kalakihan” ang “naiuuwi” (madalas pa nga ay wala) ng mga kapatid natin sa hanapbuhay; sa ganitong paraan man lamang ay makatulong tayo sa kanila. At natutuwa tayo dahil marami na rin tayong napatapos sa kani-kanilang mga kurso.

Yun nga lang, sana maalala ng mga nagsipagtapos sa educational assistance ng NPC na makapagbalik ng tulong para sa proyektong ito ng NPC, partikular na ‘yung mga may trabaho na ngayon.  

Alam ng maraming miyembro na “manipis” ang pondo ng ating organisasyon kaya kailangan nating magdaos ng ganitong mga fund raising activities para lang masuportahan ang ating mga proyekto kaya harinawang makapagbahagi sila ng “grasya” para naman sa iba pang mga kasama natin sa media.

Harinawa pa rin na sa mga susunod edisyon ng ating pakarera, patuloy na dumami ang ating mga sponsor para para mas lumawak pa at maparami ang mabibigyang tulong at serbisyo ng NPC.

Abangan!

***

Nasa ibaba ang pahayag ng NPC hinggil sa pagkapaslang ng isa pang miyembro nito sa Arayat, Pampanga, noong Linggo ng gabi:

“THE National Press Club (NPC) today mourns the murder of yet another of its member, Remate tabloid columnist, Jupiter Gonzales.

“From the initial police report, Gonzales was with a male companion (TNU) when they were ambushed Sunday night while traveling on board Gonzales’ vehicle in Bgy. Cacutud, Arayat, Pampanga.

“They were both declared DOA at the nearest hospital where they were brought by responding policemen.

“Gonzales is the third NPC member killed this year, after Mr. Adam Moraleta and Mr. Macalinding ‘Ding’ Ladayo, who were similarly murdered last June and September, respectively, noted Club president, Rolly ‘Lakay’ Gonzalo.

“The NPC lauds the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) for its quick response to the latest incident;  we shall await the result of the ongoing investigation before making further comments.

“However, the NPC would like to point out one grim reality:

“The “Culture of Impunity” that has been the scourge of our society and our democracy remains as widespread and prevalent today as before and victimizes everybody, the members of the press specifically.

“The NPC again enjoins all sectors of society, particularly our colleagues in the profession, to close ranks in the fight against this menace and for journalists to always be mindful of our Code of Ethics in the exercise of our profession.

“More often that not, violation of our Code is behind the ruin of many of our peers.”