May-ari ng ‘Orient Aviation’ dapat hubaran

BINABASA ninyo ulit ito, dear readers, natagpuan na pala noong Lunes ng hapon sa karagatan ng Mindoro ang ilang bahagi ng ‘Beechcraft Baron 55’ (tail number RP-C9078) na “nawala” noong umaga ng Biyernes at pag-aari ng Orient Flying School/Orient Aviation.    “Tinitipa” natin ang kolum kahapon ay hindi pa natin nakikita ang ‘latest bulletin’ ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa nangyari kaya nararapat lang ang ‘update’ na ito, tama ba, dear readers?

Ayon pa sa CAAP— “CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators were immediately dispatched at the crash site to conduct investigation and determine the cause of the incident.”

At ‘yun nga lang, hindi pa rin nakikita sina Capt. Jose Nelson ‘Joey’ Yapparcon at ang kanyang ‘student pilot’ na si Saudi national, Abdullah Al-Shariff (Abdullah Alsharif), ayon na rin sa CAAP.

Bagaman nga “aminado” tayo na hindi tayo “eksperto” hinggil sa ‘aviation rules and regulations’ kasama na rito ang sinasabing ‘safety protocols’ ng CAAP, hindi naman siguro masamang “magtanong” para na rin sa kabatiran nating lahat, hindi ba mga kabayan?

Sa pangyayaring ito, paano “masisiguro” ng CAAP sa publiko at higit sa lahat, sa pamilya ni Capt. Yapparcon, na magkakaroon ng ‘thorough investigation’ at matutumbok ang dahilan ng aksidente?

Samantalang ayon na rin sa CAAP, ang kanilang natagpuan pa lang ay…

“Search and rescue team reported to CAAP Operation Center that one of its aircraft, a Cessna Caravan seaplane found a bag with identification of the Pilot in command Capt. Jose Nelson Yapparcon 30NM R160 of San Jose at 11:28 am.

“Further search reveals that around 6 small and big debris of the missing aircraft, which was operated by Orient Aviation Corporation,  was found floating at 12:06 pm…”

“Sapat” na ba mga ‘debris’ na ito para “makita” at malaman nila ang ‘whole picture’ wika nga?

Naitanong natin ito, mga kabayan dahil nga sa pagkamatay ni ex-DILG Jesse Robredo sa isa ring ‘plane crash accident’ noong Agosto 18, 2012, nakita natin kung paano “binanlawan” ng CAAP ang imbestigasyon para lang “mailigtas” ang kanilang mga sarili.

Nagawa nila ito bagaman nakuha ang ‘entire wreckage’ ng Cessna Piper PA34 na sinakyan ni Sec. Jesse.

Sa kaso pa rin ni Sec. Jesse bukod pa rin sa pagsasabing heart attack— “cardiac arrest,” ayon sa official report— “pinagtakpan” din ng CAAP na ‘surplus engine’ ang nakakabit sa sinakyan niyang eroplano na marami na ring ‘prior records’ ng “pagpalya” habang nasa biyahe— kahit itanong pa natin kay Sen. Migz Zuburi na unang naging “pasahero” nito.

Bakit naman “nakalusot” sa mga CAAP safety inspectors ang ganitong detalye?

Eh, bakit hindi samantalang “sila-sila” lang naman din ang andyan— yung mga may-ari ng mga flying schools at iba pang commercial aviation companies ay mga opisyal din ng CAAP!

At teka nga pala, DOTr secretary, Arthur Tugade, sa ‘webpage’ ng CAAP, napansin natin kahapon na ang kanilang mga ulat hinggil sa mga ‘aircraft accidents,’ ‘incidents’ at ‘serious incidents’ ay nagsimula... lang noong 2013, hehehe, ayy, huhuhu!

Bakit kaya hindi isinama ang mga aksidente noong 2012 and prior years? Dahil kaya 2012 namatay si Sec. Jesse?

Was this a deliberate and conscious effort by the CAAP to “delete” Sec. Jesse from everyone’s memory and the details surrounding his untimely death insofar as their “record” is concerned? What do you think, VP Leni Robredo?

Ayon na rin sa rekord sa CAAP website, kasamang Raoul Esperas, napansin mo ba ang ulat nila hinggil sa isang ‘aircraft accident’ noong Abril 27, 2014 malapit sa Bagabag Airport, Nueva Ecija, kung saan patay lahat ang apat nitong pasahero, kasama na ang piloto.

Natawag ang pansin natin sa trahedyang ito, mga kabayan, dahil ‘Beechcraft B55’ din (tail number RP-C1974) ang sangkot dito— kapareho ng eroplanong lulan si Capt. Yapparcon.

Ayon na rin mismo sa ulat ng CAAP-AAIIB, ang ‘primary cause’ ng pagsabog at pagbagsak ng eroplano ay ‘material/structural failure’ kung saan “natanggal” ang kaliwang “pakpak” nito (‘the left hand outer wing was ripped off from the wing assembly’).

Kumbaga, dear readers, mayroon na palang ‘history’ itong Beeachcraft B55’ na “nahahati” habang “lumilipad” kaya hindi ba ang dapat tiniyak ng CAAP ay ang ‘structural integrity’ nito bago pinayagan na marehistro ang ganitong mga eroplano pagkatapos ang trahedya noong 2014?

Ayon na rin sa ulat na natanggap natin, wala man lang distress signal ang Beechcraft B55 ni Capt. Yapparcon at basta na lang “nawala” sa ‘radar’ ng CAAP. Possible bang ang nangyari noong Abril 27, 2014 sa Nueva Ecija ay nangyari ulit noong Mayo 17, 2019, d’yan naman sa San Jose, Occidental Mindoro?

Dito sa huling insidente, harinawa rin na hindi si Capt. Yapparcon ang “sisihin” ng CAAP. Dangan kasi, sa trahedya sa Nueva Ecija, sinabi ng CAAP-AAIIB na ‘contributory factor’ sa pagsabog at pagbagsak ng eroplano ay “human (pilot) error,” huwahh!

Translation? “Nahati” ang eroplano sa dalawa habang nasa himpapawid— dahil na rin “nakalusot” sa inspeksyon ng CAAP—at pagkatapos, “kasalanan” pa ng piloto, sanamagan!

Ang ‘unsolicited advise’ naman natin kay Secretary Arthur Tugade, mahalagang malaman din kung “sino” ang may-ari nitong Orient?

Dito kasi “magkakaalaman” kung nabigyan ng mga “pabor” itong Orient hinggil sa mga ‘safety regulations’ ng CAAP— na siyang totoong ‘contributory factor’ kung bakit bumagsak ang Beechcraft B55 sa Mindoro noong Biyernes.

Kung malimit siya sa “tabihan” ni CAAP director general, Jim Sydiongco, hindi na magtataka ang mga miron, hehehe!

Abangan!