Mayor Oca may pinatunayan sa Caloocan

October 10, 2019

MAAYOS na pala ang dating magulong monumento area. Dati itong lugar ng mga  halang ang kaluluwa at kailigalan.

Kapansin-pansin din ang magara at modernong Caloocan City Hall na binalak  ng nagdaang mga punong-lungsod, subali’t ‘di naisagawa.

Patok din ang  magarbong sports complex sa 1st district  na pinagdarausan ngayon ng malalaking sports events at iba pang aktibidad.

Hindi na rin parang sardinas ang lagay ng mga estudyante sa University of  Caloocan sa Sangandaan dahil sa itinayong dalawang UCC buildings.

Ang mga ito ay ang UCC-South  sa Biglang Awa sa  2nd district at UCC North na makikita sa Bukid area sa 1st district.

Sa Bukid area sa North makikita rin ang bagong ospital katulad ng  kinagisnang Caloocan City Medical Center sa Mabini (1st district).

Ilan lamang ito sa mga  ‘legacy’ project  ni Mayor  Oca Malapitan sa  nakalipas na anim na taon o dalawang termino gamit ang maayos na pamamahala.

Marami pang balak si Mayor Oca sa ilalim  ng kanyang agresibong panunungkulan.

Mismong sa kanyang State of the City Address (SOCA) kamakailan ay  inisa-isa ni Mayor Oca ang mga dambulalang proyekto na nakasalang.

Tulad na lang itong bagong Caloocan Justice Hall at City jail sa Camarin area na sisimulan ang konstruksyon ngayong taon.

Kasama din sa plano ang bagong convention hall center  na  pagdarausan ng iba’t ibang aktibidades. Itatayo ito malapit sa Caloocn City hall.

Balak ding ipatayo ang multi-purpose national government building na magsisilbing ‘one-stop’shop’ service at kung saan ipupwesto ang PNP District Office,  Land Transportation Office at tanggapan ng  iba pang national agencies.


Kasunod ng pagpapagawa ng public market, itatayo naman ang Caloocan PublicColumbarium.

Pasok din ang road widening, drainage improvement at proyektong pailaw sa iba’t-ibang barangay sa una at pangalawang distrito ng lungsod.

Dating kulelat na lungsod ang  Caloocan pero ngayon ay kasama na ito sa bracket ng pinakamayaman at pinakamaunlad na siyudad sa bansa.

Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa liderato ni Mayor Oca na hindi lang malalapitan kundi tunay na alagad ng pagbabago sa Calocan.

**

For comments, please call or text 09055080126 or email lastmohican2004@yahoo.com