Mga anti-Philippines

November 04, 2019

MAY mga kritiko ang Duterte administration na kapag nilaliman ang basa sa kanilang mga ginagawa, iba na ang magiging tingin mo sa kanila.

Normal naman kahit saang bansa na may mga tao o grupong hindi natutuwa sa nakaupong lider. Wala naman talagang perpektong governance, kahit ano pa ang gawin, may makikita talagang butas.

Iba’t ibang klase ang mga kritiko: may mga kritikong bumabatikos para makatulong sa kanyang bansa, may mga kritiko rin na gusto lang magpasikat at gamitin ang pagpuna para sa kanyang sarili. Pero aminin natin, may kritiko rin na wala lang magawa sa buhay kung hindi manggulo.

Noong una, ang iniisip ko sa ibang kritiko, anti-Duterte lang talaga sila dahil una, tinalo ang kanilang manok noong 2016 or anti-government sila dahil nagsawa na sila sa sistema.

Itong huling kilos nila, iba ang tingin ko, hindi sila anti-President Duterte, anti-Philippines talaga sila!

Isipin nating mabuti kung gawa ng matinong tao ang mag-relayout ng Bangkok Post para ilagay sa front page na nag-warning ang hari ng Thailand kay Pangulong Duterte. Ginawa nila iyon sa mismong araw na darating ang Presidente para sa ASEAN Summit sa Thailand.

Noong una kong makita ang Bangkok Post layout, ang una kong ginawa ay binuksan ko ang original online site nila para mag-check ng kanilang headline. Nag-check din tayo sa iba pang international news. Iyon mismong oras na natanggap ko ang layout, alam ko nang fake news at alam ko na kagagawan lang iyon ng mga kritikong walang laman ang utak kung hindi talangka.

Ilang oras pa, may statement na sila PCOO Chief, Martin Andanar at Sec Panelo para kumpirmahing fake news talaga ang Bangkok Post layout.

Ganoon na kababaw ang ibang kritiko, gagawin ang lahat para hiyain ang Pangulo ng kanilang bansa. Ang mga kritiko na ito ang gustong pumalit kay Pangulong Duterte. Ang mga taong ito na mula pa day one ni Duterte ay gusto na nilang pabagsakin.

Magbalik-tanaw ka lang, ang mga taong ito ang dahilan ng matinding traffic sa EDSA, ang mga taong ito ang bumili ng tren na mas malaki pa sa riles, ang mga taong ito ang nagparami ng illegal drugs, ang mga taong ito ang nagpabaya sa ating bansa, ang mga taong ito ang dahilan kung bakit nasa panganib ang mamamayan sa maraming pagkakataon.

At ang mga taong ito mismo ang gustong palitan na si Pangulong Duterte mula pa noong July 1, 2016.

Ang kakapal ng mukha nyo puro naman kayo inutil at magnanakaw!
allanpunglo@gmail.com