Mga baboy sa pulitika ang oust-Duterte group!

April 06, 2020

KUNG may tirador na puwedeng umabot sa buwan, ibabala ko na ang mga tao at grupong gustong magpatalsik kay Pangulong Rody Roa Duterte. At kung puwede lang, iyong wala nang balikan!

Ang mga taong ito na walang magawa sa buhay at pinasok na ng anay ang mga utak at wala pang nagagawang mabuti sa bayan. Kahit hindi naman sila magpakilala, kahit anong troll at saya pa ang kanilang taguan, kilala naman na natin kung sinu-sino sila.

Baka lang nakakalimutan nyo, sila iyong 30 years na nagpakabusog sa pondo ng gobyerno, sila iyong mga tuta at nagpakatuta sa mga iresponsableng naging lider ng ating bansa.

Kaya nga iyong nakikita nating infra at mga big ticket projects gaya ng MRT 7, Metro subway, northrail, mga bagong skyways, flyovers at mga airports and seaports; lahat yan ngayon lang nasimulan dahil kay Pangulong Duterte. At karamihan dyan ay posibleng matapos bago siya lumabas ng palasyo sa 2022.

Walang pakialam si Digong kahit kaninong proyekto yan basta siya, ipinagagawa niya ng lahat ng nasa blue print na magsusulong ng kaunlaran sa bansa. Hindi katulad ng mga gagong bossing ng ouster move, puro kagaguhan at katamaran ang ginawa kaya walang narating ang bansa.

At ngayong panahon ng virus, nakasilip na naman sila ng pagkakataon para buhayin ang oustduterte. Para namang si Presidente ang nag-imbento ng virus na yan!

Kung talagang may isip ang grupong ito, na I’m sure headless mob lang naman yan, na iilan, makikita nila na ang Pilipinas lang may pinakamaganda at pinakamaagap na pagkilos laban sa covid19 na ito.

Kung ikukumpara sa maraming bansa na libu-libo na ang namatay at daan-daang libo na ang infected, dito sa atin ay nananatili pa ring manageable ang numero. Iniisip ko tuloy kung iyong patron ng mga gagong ito ang Presidente ngayon, ano kaya ang sitwasyon natin ngayon?

Baka para na tayong Ecuador na iniiwanan na lang sa bangketa at kung saan-saan ang mga bangkay na naapektuhan ng virus.

Gusto ko na ring matapos ang COVID-19 na ito at ang lockdown para makabalik na tayo sa normal nating buhay. Kapag normal na, puwede nang hanapin ng NBI ang mga grupo at taong nagsisimula ng destabilisasyon habang ang bansa ay nasa krisis.

Marami na nga sa ating mga kababayan ang gutom, nagkakamatay na nga ang iba nating frontliners, nakakaisip pa kayo ng pamumulitika! Talagang gusto nating mahubaran ng maskara ang mga taong nasa likod ng panggulo para alam na natin ang gagawin sa 2022.

Magpakadalubhasa kayo sa panloloko at panggugulo nyo sa ating bansa dahil yan naman talaga ang ikinabubuhay nyo.

Maawa kayo sa ating bansa kung kayo rin lang ang gustong pumalit kay Dutrerte. Mga baboy kayo sa pulitika at sa serbisyo kaya isinuka na kayo ng bayan sa mga nakaraang eleksiyon.

allanpunglo@gmail.com