Mga ‘drama’ sa Luneta, laging buking

FIRST of all, happy, happy birthday kay Guia de Castro.  Greetings comes from her supporters and friends led by Andi Garcia, reporter of Police Files Tonite and Manila Times TV. May you have many more birthdays to come, Guia!!!

***

Kapag nasa gobyerno ka, mahirap din minsan ‘yung masyado mong pinagaganda ang takbo ng  iyong pamamahala dahil siguradong magiging target ka ng kung ano-anong uri ng pananabotahe, laluna  mula dun sa ang trabaho ay walang iba kundi manira sa nakaupong Pangulo.

Isang malinaw na halimbawa ang mga di mabilang na kalokohan ng mga walang magawa sa loob at labas ng Luneta Park.

Matapos mabuking kelan lang ang ‘scripted’ o ‘drama’ na pagtitinda ng mga China flags sa harapan pa mismo ng monument ni Dr. Jose Rizal, heto at meron na namang nangyari.

Kung inyong maaalala, tatlong lalaki ang nagbayad ng tig-P100 sa tatlong babae at isang bata para magpa-video, kung saan kunyari ay nagtitinda ng China flags ang dalawang babae at bata tapos, ‘yung isa pang babae ay magpapanggap naman na ‘buyer.’

Nangumpisal ‘yung mga binayaran na tinanggap nila ang pera at trabaho dahil sabi nung mga nagbayad, gagamitin lang ang video sa project ng anak nila sa eskuwela. Hindi daw nila alam na ipo-post ito sa social media para pasamain ang administrasyon ng NPDC at ng Duterte administration.

Hanggang ngayon ay nagtatago ang tatlong lalaki na hina-hanting ng pulisya para papanagutin sa kanilang kalokohan.

Ayon kay  National Parks Development Committee (NPDC) executive director Penelope Belmonte, isang ‘Romeo Rapirap’ ang  nagpakalat kelan lang ng isang video sa social media, kung saan isang binatilyo ang mistulang hinimatay nang nakadilat  sa loob  ng bisinidad ng Luneta. Sa nasabing video, isang lalaki  ang pinalilitaw na di niya kilala ‘yung ‘biktima’ nagsasalita habang binubuksan ang bag at pitaka nung binatilyo.

Ipinunto kay Rapirap ng isang Carolina Salvador sa Facebook na sa ilalim ng normal na sitwasyong kagaya nun, ang unang dapat na ginawa ay isinugod na ang tao sa pinakamalapit na ospital kesa magpa-video na binubuksan ang beltbag at pitaka nung tao.

‘Yun pala, matagal nang nagtitinda sa Luneta ‘yung taong ‘hinimatay’ kuno, at kasama niya ring tindero ‘yung umaaktong di siya kakilala at nagbubukas ng kanyang bag habang naka-video.

Pinanonood lang daw sila ng guwardiya na naka-assign sa lugar habang iniaakto ang kanilang ‘script.’

Bakit ba ito nangyari? Ayon kay ED Belmonte, may mga gate siyang ipinasara para mas ma-monitor ng mga gwardiya ang mga naglalabas-masok sa Luneta Park.  Itong si Rapirap, na presidente daw ng isang grupong tinatawag na ‘Phedva Kadamay’  at ‘yung binatilyo, ay parehong vendor na kasama umano sa mga naapektuhan, dahil dun sila nagtitinda sa isa sa mga gate na isinara.

At ‘yung ipinakikitang tila hinimatay ang binatilyo, ‘yun pala ay sinumpong ito ng epilepsy, ayon kay Belmonte, kasabay ng pagbibigay-diin na kahit kelan ay hindi ipinagbabawal ang pagtitinda sa Luneta pero kailangang sumunod ang mga tindero at tindera sa lahat ng regulasyong pinaiiral ng managemen ng parke.

Tama naman. Hindi naman pupuwedeng puro pansarili lang ang paiiralin at sa oras na hindi mapagbigyan ay magra-rally.

Tatlong taon na palang hindi ginagalaw ang mga vendors na ito kahit pa bawal sila at maraming nilalabag na regulasyon. Pilit silang inunawa ng pamunuan pero siyempre, kailangang balansehin na ang ating mga kababayan na bibisita sa parker, pati mga turista, kababaihan at mga kabataan ay magiging ligtas sa loob ng Luneta Park. Hindi puro negosyo, pagtitinda at kitaan ang dapat na mamayani.

“Handa ako sa anumang magyayari. Ang mahalaga ay hindi ako nangorap, nanloko, nang-api at nagnakaw sa kaban ng bayan ng kahit na ano…. Hindi lahat ay mapapaikot at maloloko ninyo. Sumunod kayo sa regulasyon. Hindi ninyo pag aari ang Rizal Park. Respeto Por Pabor,” pahayag ni Belmonte sa kanyang social media account.

Ang maipapayo ko sa mga mahilig mag-stage ng drama sa Luneta, lumipat na kayo ng pupuntiryahin dahil di uubra kay Belmonte dahil bukod sa tadtad ng CCTV ang buong Luneta premises, matiyaga siya at walang patawad sa mga kumag.