Home>Editorial>Opinion>Mga puslit na sigarilyo sa Cebu, at Zamboanga timbog sa BoC

Mga puslit na sigarilyo sa Cebu, at Zamboanga timbog sa BoC

TULOY-TULOY ang pagdispatsa ng Bureau of Customs (BoC) sa mga kumpiskadong kargamento sa buong bansa.

Ito’y bilang pagtalima sa utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Noong isang linggo naman, sinira ng Port of Cebu ang mga kumpiskadong puslit na sigarilyo.

Nagkakahalaga ng mahigit P374 milyon, ang mga sinirang sigarilyo ay nakalagay sa walong container vans.

Our standing order from Commissioner Rey Leonardo Guerrero is to immeditely dispose seized goods,” ayon kay acting Port of Cebu Acting District Collector Charlito Nartin R. Mendoza.

Ang gusto ni Guerrero ay maiwasan ang port congestion at pilferage.

Ang padispatsa ng mga kargamento ay nakakatulong din sa tax collection campaign ng ahensya.

Ang mga sigarilyo ay sinira sa isang destruction facility sa Talaniban, Cebu City.

Dumalo sa destruction rite ang mga representante ng Japan Tobacco Inc. at Philip Morris Filortune Tobacco Corp.

Ang proseso ay pinangasiwaan nina Deputy Collector for Operations Marc Anthony Patriarca at Auction and Disposal Unit Chief Ronald Morillo.

***

Kahit masama sa kalusugan ang paninigarilyo, talamak pa rin ang ismagling ng sigarilyo sa bansa.

Ang maganda lang ay determinado ang Bureau of Customs na habulin ang mga ismagler ng sigarilyo.

Sa katunayan, kaliwa’t-kanan ang ginagawang operasyon ng mga taga-BoC laban sa cigarette smuggling.

Kamakailan lang ay nakasakote ang Port of Zamboanga ng mga puslit na sigarilyo.

Nagawa ito ng Port of zamboanga sa tulong ng partner agencies.

Ang mga nasakoteng sigarilyo, na nagkakahalaga ng P120 milyon, ay galing Indonesia.

Bago nito ay nakatanggap ng isang impormasyon ang Port of Zamboanga na may isang barko mula Indonesia ang papuntang Indanan, Sulu.

May dala daw itong puslit na sigarilyo.

Sa tulong ng intelligence group ay naibato ang impormasyon sa mga taga-BoC sa Taganak Isand sa Tawi-Tawi.

Nagresulta nga ito sa pagkakasakote ng 3,000 kahong sigarilyo.

***

Nakatutok lang sa trabaho sina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Wala silang panahon sa kung anu-anong tsismis na kumakalat sa Aduana.

Ang mahalaga ay magampanan nila ng maige ang kanilang mga trabaho.

Sa totoo lang, counter-productive kung magkakaroon ng bagong pamunuan sa Aduana.

Alam na nina Sir Jagger ang ins and outs sa Aduana.

Matagal bago makapag-adjust ang isang outsider sa Aduana.

Huwag natin kalimutan na meron na lang 19 months sa puwesto ang administrasyong Duterte.

Pero politika na ang pag-uusapan bago pa dumating ang Oktubre 2021.

Ang mga kakandidato kasi sa 2022 presidential polls ay kailangang mag-file ng Certificate of Candidacy sa unang linggo ng Oktubre.

Ang ibig sabihin nito, ngayon pa lang ay may nangyayari ng konsultasyon kung sinu-sino ang tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente at senador, kasama na ang mga kandidato sa lokal na opisyal sa 2022.

Iyan ang reyalidad na hindi maiiwasan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight