Mr. Secretary, microplastic is in our food chain

June 16, 2019

Are you still wondering why there are these tiny threads of plastic in sea foods that we eat?

Just recently, in a TV news report, a study undertaken by the De La Salle College Research Laboratory revealed that the mussels (tahong) they obtained from two markets contained microplastic.

Marami nang malalaking isda tulad ng mga balyena at dugong na bigla na lang pumupunta sa tabing-dagat,  hirap nang huminga at namamatay na lang. Kapag binubuksan ang kanilang katawan, sangdamakmak na plastic at ibang klase pa ng basura ang natutuklasan sa loob ng kanilang tiyan!

Nang nakaraang taon at nitong mga unang buwan ng taong ito ay may ilan pang nakikitang mga yamang-dagat ang namatay sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa dahil nakakain ang mga ito ng plastic at iba pang basura basura.

Tamang-tama ang pagsusuring ginawa ng De La Salle. Maliliit ang tahong ngunit kumakain din ito ng maliliit na hibla ng plastic o microplastic.

Ang siste, kinakain ito ng mga tao!

Marahil, kung susuriin pa ng La Salle ang ilan pang isdang- dagat ay makakakita rin sa mga ito ng microplastic.

Kung ang maliit na tahong ay nakakakain pa ng hibla ng plastic na itinatapon sa plastic, paano pa ang mga malalaking isda na kinakain din ng tao?

Dapat bang huwag na lang tayong kumain ng isdang-dagat ? O tuluyan nang i-ban ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit ng mga single-use at thin film plastic na nadudurog, napupunit  lang at hindi nabubulok sa karagatan at pagkaraan ay makakain ng mga pagkaing-dagat tulad ng mga isda at sea shells sa pag-aakalang pagkain nila itong tinatawag na plankton.

Matagal nang panawagan ng Bangon Kalikasan Movement at iba pang organisasyon na i-ban na ang paggamit ng mga single- use at thin film  plastic.

Sinabi ng duktor sa nasabing ulat, kapag nakain ng tao, ang mga tahong at ibang pagkaing-dagat, sasama ito sa dugo at dadaloy ang dugo sa lahat ng organo ng tao katulad ng puso at utak. Marami nang sakit ang ibibigay nang toxic na plastic.

Bakit kaya kahit walang tigil ang kahilingan ng mga organisayong pangkalikasan na ipagbawal na o i-ban ang single-use at thin film plastics, tila sa pumupunta lamang ang mga kahilingang ito sa mga binging pandinig.

Kaya nga ba hindi tayo iginagalang ng ibang bansa na nagtatapon ng kanilang basura sa ating bayan ay tayo mismo ay salaula at napakaraming tambakan ng basura sa mga tabing-dagat at kabundukan?

Tila ba mahal na mahal ng ilan sa atin ang mga tambakan ng basura.

Nananawagan ako kay Environment Secretary na ipagbawal na ang paggamit ng single-use at thin film plastics. Nagdudulot daw ito ng sakit na CANCER kapag nakain ng tao ang microplastic.

Microplastic is already in our food chain Mr. Secretary.    (bangonkalikasan@yahoo.com)