Home>Editorial>Opinion>Nagmukhang “ewan” ang mga naghahanap sa Pangulo

Nagmukhang “ewan” ang mga naghahanap sa Pangulo

YES, sila nga iyon!

Sila iyong nagpatrending sa #nasaanangpangulo. Habang hinahanap nila, nagmukha naman silang mga ewan dahil bago pa humataw ang bagyong si Rolly, nagsasagawa na ng serye ng komperensiya ang mga Cabinet members, top officials ng AFP at PNP, Coast Guard at ang lahat ng may kinalaman sa relief, recovery and rescue operations.

Mahirap talagang bumili ng common sense kasi medyo mahal ito para sa ibang tao na basyo ang ulo pero dalawa singko lang naman sa totoong nag-iisip.

Sa tingin pala nila, si Spox Harry Roque mag-isa ang nagpatawag sa lahat ng mga opisyal para sa emergency meeting sa Kampo Aguinaldo at maya’t mayang meeting sa Malacanang.

Dito papasok ang mamahaling common sense. Susunod kaya ang mga opisyal na ito kung si Harry lang ang magpapatawag? Natural, sa utos din ng hinahanap nyong Pangulo kaya may nagaganap na komperensiya, kaya naka-deploy ang DPWH heavy equipment for clearing operations, kaya naka-deploy ang mga trak ng military, kaya may mga Hukbong Dagat, kaya naka-preposition na ang mga pagkain mula sa DSWD ay dahil yan sa mismong direktiba ng Pangulo na on top of the situation.

Sus, aminin nyo na, kayong mga naghahanap sa Pangulo habang may typhoon conference ay titingnan nyo lang na naman kung anong maipipintas nyo sa suot niya, kung anong pagkakamali na naman ang sasabihin niya. Iyon lang naman talaga ang agenda nyo, hindi kayo ang mga uri ng taong nagmamalasakit sa bayan kaya nyo hinahanap ang Pangulo.

Iba iyong hinahanap mo kasi miss mo na at may ramdam kang pagmamalasakit. If I know, hinahanap nyo si Preside kasi akala nyo nalunod na sa baha or tinangay ng hangin na matagal nyo nang ipinagdarasal mula pa noong June 30, 2016. Ilang beses nyo na ba siyang pinatay sa inyong mga propaganda?

Kayo iyong mga utak talangka na magmula nang matalo ang inyong mga kandidato sa 2016 Presidential elections ay kayo rin ang mga taong walang nakitang mabuti sa ginawa ng gobyerno.

Kinabukasan matapos ang bagyo at kahit may pumasok pang bagong bagyo, nasa himpapawid na ng Bicol si Pangulo para tingnan ang naging pinsala ng kalamidad. At hindi lang lumipad, bumaba pa sa mga sinalanta ng bagyo para kausapin ang mga biktima.

Sinundan pa iyon ng Malacanang full and live conference sa lahat ng Cabinet members, NDRRMC at naroon lahat ng agency officials via Zoom and ward body present sa Palasyo kasama ng Pangulo.

Sino kaya ang nagmukhang ewan sa paghahanap sa Pangulo? Ganyan mag-isip ang iba nating kababayan, kahit may kalamidad, kahit may covid at kahit pa magunaw na ang mundo, ang una nilang sasabihin, walang kuwenta ang naibotong Pangulo!

Nakakaaawa rin ang mga taong ito na ginawa nang bahagi ng buhay nila ang pagbira sa gobyerno at sa Pangulo dahil nga mga tropang talunan sila sa eleksiyon. At ang masakit, sa kabila ng mga gimik nila para wasakin si Presidente, 91% pa rin ang trust and satisfaction rating niya. Ibig sabihin, iyong 9% na mga bugoy na naghahanap sa Pangulo ay sila pa rin ang walang pagod sa paghatak para maibagsak ang kanilang bansa.

Ang maipapayo natin sa mga talunan, malapit na ang 2022 Presidential election, bihisan nyong mabuti ang inyong kandidato, paliguan nyo ng maraming pabango at hiluran nyong mabuti ng libag ng maruming pulitika para manalo naman kayo.

Dahil wala naman kayong magawa sa buhay kung hindi siraan ang bayan nyo, konting tiis pa, may dalawang taon nyo pang hahanapin ang Pangulo kahit nagdudumilat ang katotohanang nagtatrabaho siya sa harapan nyo umaraw man, bumagyo, lumindol at kahit pa may pandemya. allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV