No. 1 na si Isko sa Maynila!

December 10, 2018

HINDI natin alam kung binola ng survey group si former Manila vice mayor Isko Moreno o talagang gusto siyang pasayahin dahil nga galing siya sa That’s Entertainment.

Sa inilabas na resulta ng survey ng Publicus nito lamang isang linggo, lumitaw na number 1 si Isko, pangalawa si former mayor Alfredo Lim at 3rd si incumbent Mayor Joseph Estrada.

Pero kumbaga sa ulam na kinamatisang baka, walang dapat ipagsaya si Isko dahil unang-una, panis na ang sinasabing survey na ginawa noon pang Agosto 2017.

Ang ranking batay sa Publicus ay 47% si Isko, 29% si Lim at 21% si Erap. Batay sa detalye ng Publicus, ang kanilang respodents ay 300 sa buong Metro Manila.

Sa 300 respondents sa NCR na may populasyong halos 12 milyon, kinuha raw ng Publicus ang pulso ng mga botante para malaman ang mga potential winners sa 2019 elections.

Ang mas mabigat, sa 300 respondents nila sa NCR, kumuha naman sila ng 35 respondents para sa Maynila na ang voting population ay hindi bababa sa 700,000.

Kung 47% ang bumoto kay Isko, ibig sabihin, nakakuha siya ng 16 votes, si Lim 11 votes samantalang si Erap ay 8 votes.

Walang indikasyon kung paano ginawa ang survey, ilan ang babae, ilan ang lalaki, ilan ang plain misis, ilan ang working mother, ilan ang tatay at ilan ang jobless na tatay. Kunsabagay, baka lahat ito ay may trabaho dahil karamihan sa kanila ay nasa opisina lang ni Isko.

At ito ang mas matindi, ang na-survey daw nila ay nasa age bracket na 18 to 35 years old. Ibig sabihin, inalisan na ng karapatang bumoto ang 36 years old hanggang mga senior citizens.

Ayon sa poll expert na kinunan natin ng pahayag subalit ayaw magpabanggit ng pangalan, bago raw niya ako sagutin, gusto muna niyang sagutin ng Publicus ang mga tanong niyang ito:

1. What is the demographic proportion of male and female voters, as well as class ABC, D and E voters in the sample size?

What research methodology did Publicus Asia use in gathering, processing, and analyzing the data from their Pahayag Poll? According to their site, they used their own app, VOX Survey and the CAPI methodology. How valid and effective is this methodology?

Lastly, looking at Publicus Asia’s track record, how many of their surveys were even accurate and credible? ‘(Aray, ang sakit naman nito! -- mine)

Ito ang kanyang conclusion?

“To conclude, if their sample is not proportionate to the total population geographically and demographically, and the reliability and validity of their research methodology is questionable, then how could the results of their Pahayag NCR poll for Manila be considered credible and representative of the Manila voting population? This kind of survey will not even pass a rigor of scientific scrutiny.”

Kung 35 ang respodents, tiyak na si Isko na ang class president at magiging vice president si Lim samantalang si Erap ang magiging Sergeant-at-arms.

Ito naman ang sarili kong tanong, totoo ba na ang may ari ng Publicus Asia na si Malou Tiquia ay campaign consultant ni Isko noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016? Kaya pala natalo!

At totoo rin ba na na-renew ang kanyang kontrata bilang consultant ni Isko ngayong paparating ang local election?

Kung ganoon, suko na kami, No. 1 nga si Isko!
allanpunglo@gmail.com