Home>Editorial>Opinion>NPC Bar and Resto muling bubuksan

NPC Bar and Resto muling bubuksan

BAGO ang lahat, pagbati muna sa lahat ng mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan, sa pangunguna ni QCPDPC president, Almar Danguilan. At siyempre, ang sumunod na tanong, saan ba ang “pauga” mo, Mr. President, hehehe!

***

Talagang totoo ang kasabihan na ang paggawa ng mabuti at tama ay hindi magbubunga ng masama, dear readers.

Kaya nga, kahit walang puknat sa paninirang-puri at paglulubid ng mga intriga at kasamaan sa National Press Club (NPC) ang “dorobo” sa NPC — abangan na lang ninyo ang ‘subpoena’ at ‘expulsion’ ninyo— patuloy na umaani ngayon ng pagtitiwala at suporta ang pinakamalaking samahan ng media sa ‘Pinas.

Katunayan, sa planong muling “pagbuhay” ng liderato ng NPC sa sikat na ‘NPC Bar and Restaurant’ at ang patuloy na ‘physical and facilities improvement project, nakatutuwa na naitutuloy natin ang mga ito na halos “katiting” lang ang ating gastos!

Ang mga ito kasi ang “pruweba” na, yes Jose, nakabangon na ang imahe at kredibilidad ng National Press Club.

Palagi nating sinasabi na hindi kailangan na maging “kumplikado” ang trabaho ng pamamahayag dahil simpleng prinsipyo lang ang dapat palaging tandaan— “purihin ang dapat purihin, punahin ang dapat punahin.

Kaya nga sa puntong ito eh, pagpuri at pasasalamat ang ating ipinahahatid, una, kay Manila City COS at NPC member, Cesar Chavez, kay ex-konsi Letlet Zarcal at retired Colonel Caloy Baltazar.

Basta kasi may kinalaman sa media, eh, siyempre, walang ibang “takbuhan” ang mga mamamahayag kundi si Cesar.

And yes, “Konsi” Letlet, salamat sa ‘donation’ mo, na siguradong malaking tulong para maging “masarap” ang “pagtambay” ng mga media sa NPC Bar and Resto. Nakatutuwa rin na bagaman mahirap kang matagpuan, mabilis ka namang lapitan, hehehe!

Unang pagkakataon din nating makaharap si Col. Caloy, hepe ngayon ng Manila Hawkers’ Office noong Huwebes at nagulat tayo, kapatid na Itchie Cabayan, na kahit pala “liyebo 70” na si Boss Caloy, aba’y ‘fit and strong’ pa rin na akala mo eh, mga edad-50 pa lang!

At palibhasa ay isang beteranong pulis, masarap pala siyang kakuwentuhan dahil diretso ang salita, mabilis ang aksyon at higit sa lahat, hindi ipokrito na katulad ng ibang opisyal ng gobyerno.

Hindi na rin natin uulitin ang ating pasasalamat kay Manila ‘SMART’ chief, Major Jun Ibay, na palaging “nakaalalay” sa ating mga kapatid sa hanapbuhay at sa NPC. Hindi na natin uulitin dahil maya’t-maya kasi ay pinasasalamatan na natin siya, hehehe!

And yes, dear readers, ang huling pasasalamat natin sa mga opisyales ng Manila City Hall ay dapat lang ilaan kay “Mayor Kois” na kahit matagal na rin nating hindi nakikita eh, alam nating binibigyan ng importansiya ang NPC sa pamamagitan ng magandang samahan ng NPC at mga tauhan niya.

Dapat din nating pasalamatan si Atty. Ferdinand Topacio, na kahit hindi pa muling tumatapak sa NPC sa napakatagal na panahon eh, hindi rin nag-atubili na tumulong sa NPC upang lalo pang mapaganda ang serbisyo ng NPC Bar and Resto.

Nalalapit na ang muling pagbubukas ng NPC Bar ang Restaurant at ang tagumpay ng proyektong ito ay hindi lang dahil sa malasakit ng ating mga opisyal sa pangunguna ni House Committee chair, Joey Venancio.

Maipagtatagumpay natin ito dahil nga andyan at palaging nakahandang tumulong at umalalay ang ating napakaraming mga kaibigan sa gobyerno at pribadong sektor.

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight