Home>Editorial>Opinion>OFWs nagreklamo vs condotel

OFWs nagreklamo vs condotel

MAHAL ng Pangulong Rodrigo Duterte ang overseas Filipino workers (OFWs).

Katunayan, sa mga OFWs din kumuha ng malaking boto ang Pangulong Duterte noong nakaraang 2016 presidential elections.

Kaya itong ‘scam’ sa condotel na ini-expose’ ni veteran broadcaster Deo Macalma ng DZRH ay imposibleng hindi ito aksiyunan ng Pangulong Duterte.

Ang pinaghirapan kasi nilang pera at inilagak para sa real property investment ay hindi lang naging bato kundi mistulang naging bula pa.

Ang masaklap, karamihan sa mga OFWs na nabiktima ng condotel scam ay nahikayat lamang na mag-invest ng ari-arian dahil na rin sa pag-idolo kina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na endorser umano ng kumpanya nito.

Sa salaysay ng isang OFW na si John Pello, tubong Pasig at ngayon ay nasa Vancouver, Canada, ngayong taon nila inaasahan ang turnover ng kanilang kinuhang units sa nasabing condotel.

Subalit, hindi pa rin naitatayo ang gusaling kanilang pinaglagakan ng investment may tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa kuwento ni Pello, kabuuang apat na unit ang kanilang kinuha na hinuhulugan nila ng P75,000 kada buwan.

Pero, ang ipinag-aalala ni Pello ay wala silang contract to sell dahil ang unang ipinadala sa kanilang kontrata ay napakaraming iregularidad.

Tinukoy ng OFW na walang nakalagay na turnover date at walang estimated date of completion sa dokumento.

Sa pahayag naman ng isa pang manggagawang Pinoy na si Carmelina Ayuyang na nasa Estados Unidos ngayon, naeng ganyo siyang kumuha ng investment dahil sa mga endorser nito.

Ngunit nang mapasama siya sa Viber goup ng mga nagrereklamo laban sa condotel ay hindi na niya itinuloy ang pagbabayad matapos siyang makapaghulog ng kabuuang P75,000.

Sa pagkakaalam ni Ayuyang, may ibang OFW na fully paid na sa kanilang investment noon pang 2018 subalit ang unang gusali ng condotel na ibinebenta ay ‘under construction’ hanggang ngayon.

Bukod sa panawagan sa mga ahensya ng pamahalaan na aksyunan ang kanilang hinaing, kinakalampag na rin ng mga OFW sina Bossing Vic at Maine na tiyak silang walang alam sa mga nangyayari.

Bilang mga endorser, may ‘moral responsibility’ sina Bossing Vic at Maine Mendoza dahil kaya lamang nahikayat ang mga pobreng OFWs na mag-invest.

Dahil kina Bossing Vic at Yaya Dub, hindi kailanman nag-isip ang mga biktima na ‘scam’ ang binili nilang condo.

Si Bossing Vic, bukod sa tinitingala ng Dabarkads ay tatay ni Pasig City Mayor Vico Sotto na gumagawa ng pangalan sa pulitika at alam din nating kapatid siyang bunsod ni Senate President Tito Sotto.

Ang inaabangan pa ng mga OFW’s ay ang kamaong bakal na ipatitikim sa condotel na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na pahayag sa publiko.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large