Otso tablado

AS of presstime, walang pumasok na kandidato ng Otso Diretso sa ‘magic 12’ matapos ang halalan nuong May 13. Halos lahat ng nanalo sa pagkasenador ay administration candidates na ininderso ni Pangulong Duterte.

Patunay ito na malakas pa rin ang impluwensiya ni Duterte dahil sa kanyang mataas na performance at trust rating. Sinasalamin nito ang patuloy na pagsuporta ng taumbayan kay Duterte sa kabila ng mga paninira ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Marahil, mahirap tibagin ang liderato na kumikilos at umaaksyon ng mabilis at matagumpay.  Kung magpapatuloy ang ganitong pamamalakad sa gobyerno, hindi malayo na maipanalo pa rin ni Duterte ang mga administration  bets sa susunod na halalan kung kailan muli tayong pipili ng bagong pinuno.

**

Hamon ngayon sa mga nagtagumpay na kandidato ang pagtupad ng kanilang mga pangako sa taumbayan—trabaho, murang bilihin, libreng edukasyon, sariling tahanan, maayos na daloy ng trapiko at marami pang iba.

May tatlong taon upang mapatunayan nila na hindi nila binola ang mga botante. Maigi na sa simula pa lamang ay mapatunayan nila na tapat sila sa kanilang tungkulin. Babantayan natin kung kaya nilang labanan ang tukso ng katiwalian.

Patas si Duterte. Pinupuri ang tapat. Kinakalos ang tiwali. Nasa bagong halal ang desisyon kung anong landas ang kanilang pipiliin.

**

Binabati natin si Cynthia Villar sa kanyang pagiging No. 1 senator sa 2019 elections. Karapat-dapat kay Villar ang tagumpay na ito dahil naging masipag ang senadora sa kanyang trabaho.  Gayundin ang kanyang kapatid na si Imelda Aguilar na muling nanalo bilang mayor ng Las Pinas na patuloy na umuunlad sa ilalim ng kanyang pamamalakad.

Nakikisaya rin tayo sa pagkapanalo ni Precious Hipolito Castelo bilang congresswoman ng district 2 sa Quezon City. Maipagpapatuloy ni Precious ang mga adbokasiya para sa mga mahihirap na sinimulan ng kanyang asawa na si Winston ‘Winnie’ Castelo sa Kongreso. Si Winnie naman ay nagwagi bilang konsehal ng parehong distrito.

Syempre, hindi natin makakalimutan si Karl Castelo na dinala pa rin ng taumbayan bilang konsehal ng district sa Quezon City dahil sa mga pagbabago na kanyang ginawa sa Novaliches. Malaki ang potensiyal ni Karl sa mas mataas na posisyon.

**

Congratulations  sa mga tumanggap ng pagkatalo. ‘Yan ang tatak ng tunay na lider.  Huwag nating gayahin ang mga nangangasim ang mukha dahil sa pagkabigo. Mas lalong huwag natin tularan ang mga pumuputak na sila ay dinaya.

Igalang dapat nila ang boses ng bayan. Kung hindi nila kayang gawin ito, wala silang karapatan na maging tagapagsilbi ni Juan.

**

For comments, please call or text 09055080126 or email lastmohican2004@yahoo.com