Paging S&R

SUNUD-SUNOD na reklamo ang ating tinanggap laban sa S&R shopping centers kaugnay ng bagong polisiya na ipinatupad ng management sa kanilang mga members, partikular dyan sa Congressional Ave, Quezon City branch at sa Pampanga.

Sa mga nakaraang panahon, pinapayagan ang mga senior citizens at mga persons with disabilities (PWD) na makapasok na may kasamamang isa para umalalay sa kanila.

Natural lang naman ito dahil may mga seniors na kailangan naman talaga ng kasama kapag namimili sa S&R. Lalo na ang mga PWD na may mga physical disabilities gaya ng may mga saklay, wheelchairs, vision/visual impairment.

Ang annual membership fee sa S&R nasa P700 sa principal samantalang sa extension ay P400.

Karaniwan naman, talagang pinapayagan ang bawat miyembro na magsama, lalo na kung housemaid, driver or empleyado ng principal member. Pero nitong mga nakaraang, ayaw nang papasukin ang PWD or seniors na may alalay.

Kailangan daw members lang ang makakapasok. Ibig sabihin pala, iyong lolo or lola or ate at kuya na naka-wheelchair, magtulak siya mag-isa niya ng cart! At pati wheelchair niya, siya na rin ba ang dapat magtulak?

Iyong isang nagreklamo na PWD, may kasama pang anak na duktor pero hindi pinapasok ang duktor. Take note, duktor, meaning frontliner pa! Alam naman natin na nasa top priority list ang mga frontliners ngayong pandemic.

Ganoon din sa San Fernando, Pampanga, hindi pinapasok ang maid ng senior na negosyante dahil kailangan muna raw mag-member as extension!

Nagpadala tayo ng communication sa S&R sa pamamagitan ng online para kunin ang kanilang panig tungkol dito. Maagap naman sila, bago pa hindi umabot sa deadline ang kolum natin, sumagot na sila.

Tinawagan tayo ng isa sa Communication team ng S&R na si Ms. Joanne Delos Reyes para magbigay ng kanilang panig. Ayaw sana ipabanggit ni Joanne ang kanyang name pero pasensiya na po kailangan natin siyabg tukuyin para pambalanse sa ating isyu.

Ayon kay Ms. Joanne, hindi raw nila polisiya ito. Katunayan, may mga pangyayari pa na pumapayag sila na kapag hindi makakapag-grocery ang senior or PWD members, puwedeng pumasok ang authorized nilang tao na may authorization letter.

Binanggit ko kay Ms. Joanne ang Congressional branch ang nagpapatupad ng ganitong polisiya subalit itinatanggi niyang alam ito ng overall management. Kapag nakita naman daw nila na hindi talaga kaya ng members, pinapayagan nilang may kasama.

Ang problema, iyong nagreklama sa atin ay naninindigang hindi pinapasok ang kanyang anak na duktor kahit partially disabled ang kanyang kaliwang kamay dahil sa epekto ng tama ng baril noong araw.

Gusto nating idulog sa Department of Trade and Industry ang isyung ito para magkatoon ng pormal na imbestigasyon. Sa tingin ko, mali ang ganitong polisiya, lalo na kung senior citizens at PWD ang pinag-uusapan dito.

Mas malaki ang magiging problema ng S&R kung mabagok ang ulo ng mg seniors or maaksidente ang mga PWD habang nasa kanilang bakuran.

Nagpapasalamat tayo kay Ms. Joanne sa sinabi niyang hindi ito general policy at handa silang ikorek kung may pagkakamali sa ibang branch ng S&R.

Nanawagan tayo sa DTI na tingnan ang reklamong ito para malinawagan ng publiko. allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV