Home>Editorial>Opinion>Pagkakaisa laban sa karahasan

Pagkakaisa laban sa karahasan

ISA sa mainit na pinag-usapan ngayong pandemic ang isyu ng red-tagging lalo pa’t ilang mga abogado, hukom, guro at mga miyembro ng academe ang nabiktima nito.

Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng Senate Employees Union-Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO) sa agad na pagkilos ng ilang mga mambabatas upang kondenahin ang ilang insidente ng pagpatay matapos ma-red tag.

Tinukoy ng grupo ang mga resolusyon na nagsusulong ng imbestigasyon sa mga pagpatay at pag-atake laban sa ilang abogado, hukom at guro sa bansa.

Kabilang dito ang Resolution 689 ni Senador Leila de Lima para sa pagsasagawa ng inquiry in aid of legislation sa nakaalarma at talamak na red-tagging na naglalayong bumuo ng mga hakbangin para protektahan ang mga professional.

Inihain din ni Senador Franklin Drilon ang Senate Resolution 691 para imbestigahan ng Senado ang mga kaso ng pagpatay sa ilang hukom, prosecutor at abogado at hinihikayat ang Pangulo na bumuo ng hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mga miyembro ng legal profession.

Dahil dito, naniniwala ang mga miyembro ng SENADO na kasangga nila ang mga mambabatas para sa panawagan ng mga human rights defenders, activists, unionists, at public servants na resolbahin ang nakakaalarmang epekto ng red-tagging.

Kamakailan, matapos ilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang memorandum upang imbestigahan ang mga miyembro ng ACT Teachers at COURAGE, nakatanggap ang SENADO ng tawag mula sa isang nagpakilalang ‘Lyn’ mula umano sa Kamara at hinihingi ang pangalan ng pangulo ng unyon.

Hindi naman ipinaliwanag ng caller ang layunin ng kanyang pagkuha ng impormasyon.

Ikinabahala ito ng unyon lalo pa’t tumataas ang kaso ng mga pag-aresto at karahasan.

We believe that through these legislative measures, especially when our lawmakers will seriously address and fast-track these immediate concerns, will somehow ease off ferocious attacks and fervently hope that the President will put an end to the savage killings and horrendous attacks on the people,” pahayag ng presidente ng SENADO.

Hinimok din ng unyon ang mga senador na palakasin pa ang kanilang mga hakbangin upang mapigilan ang paggamit sa pulisya at militar sa mga hindi makatarungang aktibidad.

We challenge our Senator to extend the cotton wool of protection for unionists, activists, and leaders and members of progressive organizations by fulfilling its obligation to the people to protect and respect the rights of the people,” diin pa ng unyon.

` Nanawagan din si Rosel Eugenio ng SENADO sa kanilang mga miyembro na huwag matakot at ipakita lang ang katapangan sa pakikipaglaban sa kanilang legitimate at democratic rights.

I appeal to our members to be critical, do not let ourselves be influenced by intimidation as it will silence us. Silence will perpetrate this evil. Let us stand strong to defend and protect our and the peoples’ rights as employees of the legislature,” diin nito.

Sa panahon ngayon na marami ang naghihirap dahil sa krisis, hindi na dapat pang sumabay pa ang mga karahasan at iba’t ibang isyu na lalo lamang makakapaghati-hati sa bansa.

Umaasa tayo na matatapos ang mga karahasan at magkakaroon ng pagkakaisa ang lahat para sa pag-unlad pa ng ating minamahal na bayan.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large