‘Pagsisikap’ ni Coll. Dino A, may resulta na

PAGKARAAN ng mahabang panahon, muling “pumasok” sa ‘Achievers’ Circle’ ang Manila International Container Port (MICP) sa ilalim ni Coll. Dino Austria.

Dangan kasi, “nalampasan” pala ng MICP ang ‘collection target’ nito para sa buwan ng Abril matapos “humamig” ng higit P13.8 bilyong koleksyon ang distrito, kumpara sa ‘target collection’ nito na higit P13.6 bilyon, kaya… congratulations, Atty. Dino, yeheyy!!!

Sa totoo lang, hindi na natin matandaan kung kailan huling nagrehistro ng ‘surplus’ ang MICP at sa termino pa nga ni Comm. Sid Lapeña at sa kanyang ‘one-strike policy’ hinggil sa pagkolekta ng buwis, mistulang ‘musical chair’ ang puwestong MICP district collector dahil halos buwan-buwan, napapalitan ang nakaupo dito, hihihi, ayy, huhuhu!

Sa “laki” ng mga problemang kinasasangkutan ng MICP sa mga nagdaang panahon, alam ba ninyo, dear readers, na dumating pa nga sa punto na “naisip” noon ni Comm. Sid na “siya” na rin ang tumayo bilang district collector nito, ‘concurrent’ sa kanyang posisyon bilang Customs commissioner?

Oh yes, mga kabayan, “sumagi” yan sa isipan ni Comm. Sid, dangan nga lang at “nakumbinsi” natin na hindi niya ito kailangang gawin, hehehe!

* * *

Hindi naman tayo nagtataka kung bakit sa kabila ng “napakabigat” na responsibilidad sa kanyang balikat, nagawa ni Coll. Dino na “maiahon” mula sa “balon ng kahihiyan” ang MICP dahil nga palaging “salto” sa koleksyon.

Nang minsan kasi na napasyal ako sa kanyang tanggapan ilang linggo na ang nagdaan, napansin natin na “mataas” ang ‘morale’ ng kanyang mga tauhan at iba na rin ang ‘ambiance’ ng lugar kumpara noong mga panahon na ginagawa nating “tambayan” ang MICP.

At bakit naman hindi “tataas” ang kanilang ‘morale’ samantalang ‘very presentable’ na ngayon kahit ang kanilang mga tanggapan -- pinaka impresibo siyempre, ang tanggapan ni Coll. Dino, hehehe!

Aber, nang mapasok nga ulit ako sa opisina ng ‘Office of the MICP District Collector,’ ang “biro” pa nga natin sa kanya, hindi ba “naiinggit” si Comm. Jagger Guerrero, hehehe!

Maaring sabihin ng mga miron, na “mababaw” na “reporma” ang ‘physical upgrade’ ng MICP subalit dapat ding maisip na “iba” ang “pakiramdam” at “mas ganado” na magtrabaho ang sino man sa isang tanggapan na ang kaanyuan ay hindi nakakahiya.

Eh, “gaganahan” ka bang magtrabaho sa isang opisina na mabaho, marumi at hindi puwedeng “ipagmalaki” sa mga bisita?

Kung sa simpleng bagay ay nagawang itaas ni Atty. Dino ang ‘morale’ ng kanyang mga tauhan na malaking tulong upang higit silang maging masigasig sa kani-kanilang trabaho, mas malaking tulong naman sa koleksyon ang kanyang mga hakbang upang matuldukan na ang malaking salot, ehek, problema, ng ‘port congestion.’

Aniya pa nga sa atin, “naniniwala” siya na kapag nagawan ng solusyon ang problema ng port congestion, “magbabalikan” na rin sa MICP ang mga nayamot, err, nabuwisit na mga kliyente nito, bagay na nangyayari na ngayon kaya nga tumaas na ang koleksyon ng MICP.

Eh, mantakin ninyo, panahon pa ng mga Dilawan (read: rehimen ni Noynoy) hindi naresolba ‘yang isyu ng port congestion -- at nagkamal lang sila ng kuwarta gamit itong ‘TABS -- samantalang mareresolba naman pala talaga basta “gugustuhin” ng mga nakaupong opisyal?

Kudos din para sa kanya na pabilisin ang resolusyon ng mahigit na 1,000 kaso na “nakatengga” sa MICP Law Division. Bukod kasi sa makatutulong ito upang “magluwag” ang “yarda” ng MICP, ang resolusyon ng mga ito ay makatutulong din para madagdagan ang buwis na kinokolekta nito.

Oops! Sa kabuuan, hindi lang ang MICP, bagkus, ang buong Aduana, sa ilalim ng ‘Team Jagger’ ni Comm. Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero, ay nalampasan ang ‘collection target’ para sa buwan ng Abril, matapos sumalto noong Marso at Pebrero dahil na rin sa epekto ng mahabang ‘Chinese New Year celebration.’

Kaya nga kung pinupuri natin dito si Coll. Dino at iba pang mga district collectors ‘for a job well done,’ eh, mas dapat nating “paliguan” ng “papuri” si Comm. Jagger, kaya…

Mabuhay ka, Comm. Jagger sa pagbibigay ng inspirasyon at ‘proper guidance’ sa buong ‘Familya Aduana!’

“Salamat” din ulit sa panahong inaksaya, err, ibinigay, mo sa akin kahapon, bagaman, bakit isang tasang kape lang ang ipinainom mo, hahaha!

Maraming bagay kaming napag-usapan ni Comm. Jagger na “nanggigigil” na tayong maibulgar, err, maisulat dito pero, not this time, hehehe
Translation? Abangan!