Palakasin ang boses natin para sa hustisya sa halalan

HINDI kaila sa atin ang malasakit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga api at lalu sa mga humihingi ng hustisya.

Bilang dating prosecutor tungkulin nito at natural lang sa kanya na isulong ang katarungan ang manaig sa ikabubuti ng mga mamamayan at katahimikan ng bansa.

Hindi rin kataka-taka na ipahayag niya ang kanyang malasakit sa mga biktima at kaanak  sa kontrobersya sa Dengvaxia related deaths.

Aabot na sa may 38 ang kasong criminal na naisampa sa Departmenmt of Justice at unti unting umuusad ng paggulong ng hustisya  dito.

Nakakatuwa din ang pag apruba ng Pangulo sa dagdag na 397 na lawyers ng PAO at nais ni Chief Public Attorney Dr. Persida V. Rueda Acosta na maregularize ang mga service contract workers nito upang lalung mapalakas ang PAO sa dami ng mga tinutulungan nito.

Sa darating na halalan ngayong Mayo, tiyakin natin  na magkaroon ng hustisya at  ito ang manaig sa pamamagitan ng  paggamit natin ng ating mga balota bilang boses para sa paglulok sa mga kandidatong  subok na  magsusulong ng hustisya at ilaglag ang mga abusado at hindi maasahang mga pulitiko  na walang malasakit sa masa Pinoy.  

Gawin natin na tunay na people power ang halalan na ito para sa katarungan para sa mas mabuting kinabukasan ng ating bansa lalu na sa kaso ng Dengvaxia na mga  inosenteng kabataan ang mga biktima.