Pateros VM arestado sa pananakit sa misis

September 24, 2018

HINDI dapat hinahayaan at pinapalagpas ng lipunan ang mga abusadong politiko  lalo na ang mga nananakit ng mga asawa at mga babae.

Thumbnail

Ito ang naging maugong na opinyon matapos di makawala sa batas kahit ang  vice mayor ng  Pateros na si Gerald German, 39, ng Bgy. San Roque, ng parehong bayan.       

Siya ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act  9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act).

Ayon kay Southern Police district director Senior Supt. Eliseo Cruz, nangyari ang umano’y  pananakit sa asawa ni German na si Mary Antonnette German alyas ‘Maan’, 38, isang negosyante, noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng pulisya nagtamo ng mga galos, pasa sa mukha at braso si “Maan” matapos uma-nong bugbugin ng bise alkalde.

Sa report na natanggap ni Cruz, sinasabing 7:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa No. 25 E. Hermosa St., Bgy. San Roque, Pateros.

Nabatid na 10 taon ng mag-asawa ang naturang bise alkalde at si ‘Maan.’

Bago ang pananakit ay nagkaroon umano ng mainitang argumento ang magkabiyak subalit tumanggi namang banggitin sa report kung ano ang pinag-awayan ng dalawa. Sa kainitan ng pag-aaway ng dalawa ay dito na umano pinagbuhatan ng kamay ng naturang bise alkalde ang kanyang misis.

Si German ay nasa ikalawang termino bilang bise alkalde ng Pateros. Sa mga kumakalat na larawan nito sa social media, makikita na kasama nito noong kampanya ang nakakulong na Senador Leila de Lima dahil kapartido niya sa Liberal.

Mapapansin din sa larawan ang mistulang bossing at kasama ni German sa lahat ng kanyang gawain na si Taguig Cong. Arnel Cerafica na di umano’y tatakbo na alkalde ng Taguig at babanggain ang mga Cayetano na maganda ang track rekord sa lungsod.

Papayag ba ang taong bayan na mahalal ang mga ganitong lingkod bayan na nananakit ng asawa?

Hindi ata maganda na ang nauupo sa pwesto sa ating bayan ay bayolente sa mga babae. Hindi na dapat hinahayaan at pinapalagpas ng lipunan ang mga ganitong abusadong lalaki at politiko.

Kaalyado din pala si German ng mga Tinga na dating namumuno sa Taguig at ilan na sa pamilya ang nasentensyahan ng korte ng panghabang buhay na pagkabilanggo.

Para sa mga suhestiyon  at komento,mag-email sa tesslardizabal @yahoo.com o mag-text sa09173154115.