Payroll system sa cash assistance ng gobyerno

March 27, 2020

Malaking bagay para sa working class ang pinagtibay na batas na Bayanihan to Heal As One Act.

May binabanggit sa batas na bibigyan ng P5,000 to P8,000 sa unang buwan at another P5,000 to P8,000 sa second month ang mga manggagawang naapektuhan ng lockdown. Kasama rin dito ang informal sector gaya ng driver, vendors, fisherfolks at farmers.

Tugon ito ng gobyerno sa malubhang epekto ng COVID-19 19 lockdown sa buong Luzon, lalo na dito sa Metro Manila.

Ang pinag-uusapan ngayon ay kung paano ang paraan ng distrubution ng pera. May binabanggit na DSWD at DOLE ang central committee ng pagkakaloob ng biyaya ng gobyerno sa tulong ng kani-kanilang mga regional offices.

Kapag  sila lang ang gagawa para sa napakalaking bulto ng manggagawang dapat mabigyan, baka magkagulo o tumagal ang sistema. Sa halos dalawang linggo nang lockdown, maraming mga kababayan natin ang hirap kung paano pa makakakain sa mga susunod na araw.

Bagama't may mga local government ang nagbibigay ng pagkain, kailangan pa rin nating bilisan ang pagbibigay ng cash assistance. Sa tingin ko, ok na ang DSWD ang mamahala ss enhanced 4Ps dahil may system na sila dyan.

Pero doon sa labor force, tama rin na DOLE pero bukod sa regional offices nila na tiyak na hindi sasapat, bakit hindi natin hingiin ang tulong ng budget and accounting department ng mga city hall at mga munisipyo?

Sa local government kasi, may payroll system na rin na puwedeng maging padron ng gagawing cash distribution. Pero hindi basta ganoon iyon, mas magiging maayos ang sistema kung hindi susugod ang mga workers sa mga city at municipal hall para sa cash.

Atasan natin ang mga employers, medium o large scale business man yan na magsumite ng master payroll list sa locality na nakakasakop sa kanila. Maghalimbawa tayo, kunwari ang SM North, sa Quezon City hall nila dadalhin ang payroll list ng kanilang mga sales lady at iba pang empleyado.

Para hindi rin magulo, lagyan natin ng bracket sa pagkuha ng pera. Halimbawa, lahat ng retails store employees at manufacturing, sila muna mula alas 6 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ang next batch naman, mula ala una ng hapon hanggang alas sais ng gabi, iyong nasa hotels, food and beverages at carinderya business. Sa next day, same time, lahat naman ng bus, jeepney, tricycle and pedicab drivers.

Ang mga susunod naman halimbawa ay mga mangingisda, farmers at mga freelance workers gaya ng barbero, beautician, labandera, pintor at mga karpintero at tubero.

Sa formal sectors, mas madali kasi may payroll master at may company ID. Doon naman sa informal sectors gaya ng trike, pedicab and vendors, carpenters, tubero, etc, etc, dyan naman papasok ang barangay. Sila ang magbibigay ng sertipikasyon na lehitimong apektado ang mga taong ito na sakop ng kanilang barangay.

Kunsabagay, lahat naman tayo lehitimong apektado ng lockdown. Pero kailangan nating lagyan ng sistema para makinabang talaga ang mga dapat makinabang.

Huwag nang makisali dito ang mga middle class na hindi naman masasabing hirap sa pagkain dahil sa lockdown. Ibigay na natin sa mga kababayan natin na totoong nangangailangan.

Sa mga ganitong panahon, huwag na tayong mag-isip kung paano makakalamang sa ating kapwa dahil buong bansa na natin ang nakataya rito. Mauubos tayong lahat kapag hindi tayo natutong magkaisa at makinig sa gobyerno.

Kalimutan na natin lahat ng pulitika at pagkakanya-kanya dahil kapag lumubha ang problema natin sa virus, mabubura tayong lahat sa mapa.

Patuloy lang tayong manalig sa Diyos at gumawa tayo ng mga bagay na makakatulong sa ating kapwa at gobyerno para mas madali ang paglutas ng problemang buong mundo ang apektado.

allanpunglo@gmail.com