Home>Editorial>Opinion>PH consul “nagpasaklolo” sa SC at P10K ayuda ng ‘BTS’ patok!

PH consul “nagpasaklolo” sa SC at P10K ayuda ng ‘BTS’ patok!

MISTULANGnapuno na ang salop ng pagtitimpi” ni PH honorary consul to Estonia, Fernando Pena, dito sa UST Law School dean na si Atty. Nilo Divina at ang kanyang ‘Divina Law Office’ (DLO).

Nalaman kasi natin na noong Marso 3, 3021, sumulat na si Pena kay SC Chief Justice Diosdado Peralta upang “imbestigahan” ang “estilo” umano nitong si Divina/DLO na palagi na lang nagsasampa ng ‘motion to inhibit’ sa mga ‘court judges’ upang “bumitaw” sa mga kaso ng kanyang kliyente.

I am humbly asking the Honorable Supreme Court to investigate the Divina Law Office. I will fully cooperate in any investigation,” ayon pa kay Consul Pena.

***

Galing sa ‘old-rich Olondriz clan’ ang mga Pena at nagsimula ang “gusot” sa loob ng kanilang pamilya nang pumanaw ang kanilang ama na si Don Juan Pena Rivideneira, partikular sa kung sino ang “kokontrol” sa ‘San Antonio Condominium Builders, Inc.’ (SACBI) sa Pasay City.

Kalaban” ni Consul Pena at kapatid na si Guillermo ang kanilang tatlo pang kapatid na sina Juan, Eduardo at Rosana, sa usapin sa korte kung “sino” sa kanila ang may “karapatan” na pamahalaan ang nasabing negosyo.

Reklamo” naman ni Consul Pena kay CJ Peralta, “apat” na ‘motion for inhibition’ na ang naisampa ng DLO sa iba’t-ibang korte sa Makati at Pasay RTC kung saan dinidinig ang mga kaso. At kahit ang piskalya sa Pasay City, gusto rin umanong ‘mag-inhibit’ ng DLO, talaga rin naman, hehehe!

Paalala” naman ng SC sa bisa ng ‘Administrative Order 62-2020,’ hindi basta puwedeng ‘mag-inhibit’ ang sino mang huwes at mahistrado sa ano mang hawak na kaso ‘on grounds that are neither just or valid.’

Ang siste kasi, mga kabayan, kapag nag-inhibit ang isang huwes sa kaso, eh siyempre, ‘delayed’ o magtatagal ang usapin sa korte!

At kung ganyan, ano na ang nangyari sa palaging sinasabi na ‘justice delayed is justice denied,’ aber?

Pansin pa ni Consul Pena, ang “taktika” na ito ay ginagawa ng DLO sa tuwing may desisyon ang korte na hindi pabor sa kanilang kliyente, ganern?!

Kung babalikan nga pala mga kabayan, si Divina ay nasabit na rin sa eskandalo ng fraternity hazing’ noong 2018 kung saan namatay si ‘Aeigis Juris’ fraternity neophyte, Horacio ‘Atio’ Castillo III. Inirekomenda noon ng Senado na sampahan siya ng kaso dahil sa insidente.

In fairness, “nakalusot” si Divina sa asunto ‘for insufficiency of evidence’ hinggil sa kanyang partisipasyon sa insidente; 10 naman niyang kasamahan sa nasabing grupo ang kinasuhan ng DOJ sa paglabag sa ‘Anti-Hazing Law.’

‘Early retirement’ naman ngayong buwan si CJ Peralta at tingnan natin kung may panahon pa na “masilip” niya ang reklamo laban sa DLO kaya… abangan!

***

Nagkusa” na palang magbigay ng kanilang personal na tulong ang grupong ‘BTS’ (Balik sa Tamang Serbisyo) sa Kongreso sa ating mga kababayan na naghihirap dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19.

Una nang isinulong ng ‘BTS’—ex-Speaker Alan Cayetano, Rep. Raneo Abu (Batangas), Rep. LRay Villafuerte (CamSur), Rep. Jonathan Sy-Alvarado (Bulacan), Rep. Lani Cayetano (Bulacan), Rep. Dan Fernandez (Laguna) at, Rep. Mike Defensor (Anakalusugan Partylist)—ang panukala hinggil sa ‘P10K Ayuda Bill’ sa bawat mahihirap na pamilya (‘Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program).

Sa ilalim nito, bibigyan ng P1,500 ayuda bawat miyembro ng mga mahihirap na pamilya o P10K, ‘whichever is higher,’ mula sa hindi pa rin nagamit na pondo sa Bayanihan 2 Act at sa 2021 national budget.

Ang problema, kahit isang committee hearing, wala pa ring nagagawa ang Kongreso, aruy!

At dahil “ramdam” ng BTS ang pangangailangan ng mga Pinoy sa tulong-pinansiyal, “nagkusa” na silang “dumukot” sa sari-sariling bulsa at “kumatok” sa mga kaibigan upang “masimulan” na ang programa, yeheyy!

Sa ngayon, nabatid na 30 pamilya na—10 pamilya sa Quezon City, 10 pamilya sa Imus at 10 pamilya sa Kawit, sa Cavite—ang nabiyayaan na ng programa, wow!

At siyempre, “siksik, liglig at umaapaw” ang pasasalamat kay Cayetano at sa BTS ng mga natulungan na mga nawalan ng trabaho at ang iba naman ay may mga dinaramdam na sakit sa katawan.

Aber, “napaiyak” pa nga si “Nanay” Virginia Demerin ng Brgy. Toro sa Quezon City dahil sa P10k ayuda na kanyang tinanggap mula sa BTS. Eh, sino ba naman ang hindi?

Dagdag-kita naman sa araw-araw ang maidudulot ng P10k ayuda na natanggap ni Oscar Masibag, 50 anyos, isang mangingisda ng Kawit, Cavite. Aniya, maipapa-ayos na niya, sa wakas, ang kanyang nasirang lambat upang muling makapangisda.

Dagdag-puhunan” din aniya sa pagtitinda ng tahong ng kanyang misis at malaking tulong din para sa panggastos nila ng kanilang anak at dalawang apo.

Target” pa ni Cayetno at ng BTS na makapagbigay ng ayuda sa mas marami pang pamilyang Pilipino. At siyempre, mas mainam kung mapag-usapan at matalakay ng Kongreso ang ‘Ayuda Bill.’

Handa rin ang BTS na “isakripisyo” ang kanilang ‘authorship’ sa panukala sakaling ito lang ang balakid upang maipasa ito at mapakinabangan ng milyon-milyong Pilipino.

Sa ganang atin naman? Dapat ganyan ang ating mga mambabatas!

Publication Source :    People's Tonight