Home>Editorial>Opinion>Pres. Rody kay Comm. Jagger: ‘Read my lips’

Pres. Rody kay Comm. Jagger: ‘Read my lips’

MARAMI ang “nayanig” at “natuyo ang lalamunan”—partikular sa pantalan– sa naging ‘televised Cabinet meeting’ ni Pang. Rody noong Martes, Agosto 25, 2020.

Dangan ba naman kasi, from ‘out of the blue,’ wika nga, palaging “isinisingit” ng ating mahal na pangulo ang Bureau of Customs, ahahay!

Una na rito ay gustong mangyari ni PDU30 na maging ‘transparent’ ang listahan ng mga importer at iba pang mga may transaksyon sa Aduana na “trabaho” naman ng ‘Account Management Office (AMO) na nasa ilalim naman ng Intelligence Group (IG) nitong ating kaibigan na si DCI Ranier Ramiro.

Hmm. May ‘info’ kaya ang Palasyo na ‘sandamakmak’ pa rin ang mga pekeng consignees sa BOC na ginagamit ng mga notoryus na smugglers katulad nitong ‘House of Thebes,’ ‘Michael Y at itong si alias ‘Sabater?’

Hindi naman kaya “sablay” ang impormasyon dahil sa ating pagkaalam, ‘vigilant’ naman itong AMO at ang tanggapan ng IG kung “paglilinis” ng ‘stakeholders’ list’ ang pag-uusapan?

At siyempre, lalong “nataranta” ang mga miron, nang “urutin” ni Pang. Rody si DOJ secretary Menardo Guevarra na isunod na sa imbestigasyon ng kanyang binuong ‘special task force’ ang BOC.

Eh, ang “pagbungkal” sa korapsyon sa PhilHealth na inaatupag ngayon ng STF ang ipinapaliwanag ni Sec. Guevarra nang biglang “isingit” ni PDU30 ang BOC na dapat isunod sa imbestigasyon, sino ang hindi matataranta, aber?

***

Na marahil ang kailangang gawin ni Comm. Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero ay bigyan ng ‘update’ ang Palasyo hinggil sa mga nangyayari sa Customs nang ilabas ni Pang. Rody ang kanyang “hugot” laban dito kay Atty. Teodoro Jumamil, ang dating ‘chief of staff’ (COS) ni Comm. Jagger.

Aber, bukod sa “minura,” tinawag pang “napaka-corrupt” at “balasubas” ni Pang. Rody itong si atorni, aray ko po!

Aniya pa, “muntik” na niyang sinibak si Comm. Jagger bilang customs commissioner, kung pinatagal pa ang pananatili ni Jumamil sa Aduana.

Sa masasakit na salita ni Pang. Rody, marami naman ang “nagtataka.”

Bakit hindi, eh, higit isang taon na ngayong lumayas, ehek, umalis sa Aduana si Atty. Jumamil. Epektibo pa noong Hulyo 9, 2019. Ang pumalit na sa kanya ngayon ay itong atin pa ring kaibigan na si DCA (deputy commissioner for administration) Donato San Juan.

Alam naman sa buong pantalan na isang “alaala” na lang doon si Jumamil. At kung bakit lumipas ang higit isang taon na ngayon lang ito ibinulgar ni PDU30 eh, bakit nga ba?

Kumbaga kasi sa balita, “panis” na yan, Mr. President, hehehe!

Aber, “mabuti” na nga lang at sa nasabing Cabinet meeting, ‘adun din si DOF secretary Sonny Dominguez na mabilis at agad na “sinalo” at ipinagtanggol si Comm. Jagger.

At ang mga sinabi niya pabor sa mga repormang ginagawa ni Comm. Jagger sa Aduana ay alam nating katotohanan at pawang katotohanan lamang, kasamang Rey Domingo, kaya, yeheey!

Eh, kung nagkataon na wala si Sec. Sonny? Susmariosep, hindi malayong malungkot ang susunod na kabanata, hihihi, ayy, huhuhu!

***

Kung “babasahin” naman ni Comm. Jagger ang “mensahe” sa kanya ni Pang. Rody, nang kanyang sabihin na “Do not entertain loyalty especially in government; If you think the idiot is going to destroy you, you destroy him first,” aba’y simple lang, sa ganang atin:

Una, tama na sa ‘loyalty’ (“bata-bata” system) sa Aduana at ikalawa:

“Kung “pabigat” o “perwisyo” na sa administrasyon mo, “sibakin” mo na!

Translation para sa mga taong gobyerno?

“Palagi kayong mag-ingat sa paggawa ng kabulastugan dahil may mga “mata” ang Palasyo sa paligid ninyo, ayos!

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight