Home>Editorial>Opinion>Public private partnership vs pandemic

Public private partnership vs pandemic

SA PANAHON ng pandemya, kailangan ng gobyerno ng tulong at pakikiisa ng lahat upang malagpasan ang kinakahrap na krisis ngayon.

Kaya naman, tama ang pahayag ni Senador Sonny Angara na dapat magkaroon ng mga dagdag na public-private partnerships upang mapabilis ang vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19 at upang mapabilis ang pagrecover ng ekonomiya.

Sa kanyang pagsasalita sa “Leadership during Crisis: Ensuring a Resilient Economy through Public and Private Collaboration” na inorganisa ng Ateneo de Manila University School of Government, ipinaliwanag ni Angara ang kahalagahan ng public and private partnerships.

Tinukoy pa ng mambabatas ang pakikipagtulungan ng private sector sa gobyerno upang matiyak na may sapat na personal protective equipment at face masks para sa health workers; pagkain at financial assistance sa mga apektadong pamilya at ang pagpapabilis ng testing, tracing at treatment.

In every instance and more, there was bayanihan in action. In every instance, there were different organizations and groups working together, collaborating and cooperating. In every instance, there was no clear divide between the public and private sector,” saad ni Angara.

What should be clear to us now is that this heightened level of engagement between government agencies, private companies, and civil society needs to continue even after the pandemic. But most especially because of the critical tasks at hand of immunizing our people, preventing even more COVID-19 cases as we reopen and building back a more resilient and inclusive economy,” dagdag pa ng senador.

Sa vaccination program ng gobyerno, sinabi ni Angara na mahalaga ang pagtulong ng pribadong sektor para mas marami pa ang bakunang maiparating sa bansa at mas malaking bahagi ng populasyon ang makinabang.

Binigyang-diin ni Angara na kailangan din ang public and private partnerships upang matiyak na may sapat na professionals para sa pagbabakuna sa mas nakararami.

If we can immunize our people expediently and prevent any more COVID-19 infections, then we will survive this pandemic. But for us to emerge stronger and more resilient, we need to start thinking ahead and plant the seeds of our future growth and prosperity today,” diin ni Angara na nagsilbing sponsor ng Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Kahit sa pagtatapos ng krisis, sinabi ni Angara na dapat magpatuloy ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagbabalik sa normal na sitwasyon.

We have to help each other. We need each other, not just to survive, but to thrive,” diin ni Angara.

Adbokasiya rin ni Angara ang paglulunsad ng iba’t ibang inisyatibo para sa mas malawak na produksyon ng mga lokal na produkto at mabawasan ang pagdepende ng publiko sa imports.

Sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill, isinulong ni Angara ang mga amendments para sa suporta sa local pool of enterprises.

Bahagi ito ng kanyang Tatak Pinoy advocacy na naglalayong tulungan ang Filipino industries at mga professionals na maging globally competitive.

We envisioned that through this initiative, the country produces and exports more complex, high-value products and services; encourages more investments; and creates more job opportunities at home for Filipinos,” diin pa ni Angara.

With this pandemic, this program is fast becoming our attempt at helping jumpstart our recovery and building back a more resilient, more inclusive economy,” dagdag pa nito.

Sa ganang akin, para maging maunlad ang isang bansa malinaw na ang pagtutulungan ng lahat ang kailangan at siguro kung may naituro man itong pandemyang ito sa bawat isa sa atin ay ito ang pagbibigay malasakit sa lahat upang sama-samang umangat ang kabuhayan ng bawat isa.

Kung magpapatuloy ang bayanihan kahit normal na ang lahat, posibleng mapabilis din ang pagpapakilala natin ng mga produktong Tatak Pinoy sa buong mundo.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large