Respect CAB ruling on CEB; Barangays pin hope on Olivarez

IN a statement issued on Wednesday, the Department of Transportation (DOTr) headed by Sec. Arthur Tugade had said that despite the cancellation of flights by leading budget carrier Cebu Pacific (CEB), the concerns of the affected passengers were found to have been handled properly by Cebu Pacific, in compliance with the Air Passenger Bill of Rights thus, ‘imposition of penalties was not considered at present’.

For its part, CEB spokesperson Ma. Rosario Lagamon said the airline will comply with the directive from the Civil Aeronautics Board (CAB) and submit a plan to further improve our operations.

Lagamon also said CEB is reviewing its internal processes and procedure to make every effort to improve its service to passengers.

CAB,  in ruling that CEB will not be penalized for the cancellation of certain flights in late April and early this month, actually applied for cancellation of 172 one-way domestic flights from April 28 through May 10, 2019. Said canceled flights are equivalent to about 14 flights a day out of its more or less 400 daily domestic flights.

The DOTr, which is CAB’s parent-agency, said that during the investigation held on May 2 and May 6, 2019, CEB cited that ongoing efforts to improve on-time performance (OTP) have led to its decision to cancel hundreds of flights.

In those hearings, CEB noted reasons for the downturn in its on-time performance. It explained that the time it takes from the aircraft’s closing of doors to actual lift-off can reach as long as 66 minutes, of which 19.6 minutes is spent from the closing of doors to the ‘blocks off’ or the time the aircraft vacates the parking position; while 46.6 minutes from the blocks off to the lift-off, the DOTr said. The shortest time between closing of doors and actual lift-off is at 49 minutes, it added.

The DOTr also reportedly noted that the hour-long stay on the tarmac was observed to have pushed Cebu Pacific’s OTP to an average of 51.16%, with lows of around 30% in March and this record, according to CEB, impelled the airline to finally come up with the decision to cancel flights.

The ruling on CEB was reached after a series of hearings and meetings among authorities  concerned and in accordance with the rules so it should be respected. However, as usual, there are those playing experts on the matter.

* * *

MGA PUNONG BARANGAY, NANANALIG KAY MAYOR OLIVAREZ -- Ilang kaibigang taga-Parañaque ang nagsasabi na malaki ang kanilang pananalig na dahil sa maganda na ngayon ang ekomomiya at nakabayad na sa mga utang sa bangko ang Parañaque ay bubuhusan pang lalo ng Olivarez administration ng mga pro-poor projects ang bawat barangay sa darating na tatlong taon ng kanyang panunungkulan.

Binabati din ng nagkakaisang miembro ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Lungsod ng Parañaque ang landslide na pagkapanalo ni Mayor Edwin Olivarez, kung saan ay gumawa ng bagong kasaysayan at pananaw sa pulitika ang “Team Bagong Parañaque (TBP)”.

Ayon kay Chris Aguilar, ABC president at barangay chairman ng Marcelo Green, pinahanga sila sa naging resulta ng mapayapang halalan matapos magwagi ang lahat ng kandidato sa ilalim ng Olivarez team, sa pangunguna ni reelected Vice Mayor Rico Golez.

Ang kanila ring kasamahan sa TBP na sina 1st District Rep. Eric Olivarez at 2nd District Rep. Joy Tambunting ay parehong nilampaso ang kanilang mga kalaban pati na rin ang kanilang 16 na konsehal  sa dalawang distrito.

Sabi ni Aguilar, ngayon lang daw nangyari sa kasaysayan ng eleksyon sa lungsod na ang isang kandidato sa pagka-alkalde ay nagwagi ng may kalamangan na 116,400 boto laban sa kanyang katungali.

Nilampaso pala  ni Olivarez si dating Mayor Florencio Bernabe kung saan nakakuha ng 169,224 ang reelected mayor samantalang may 52, 824 na boto lamang si Bernabe.

Paliwanag ni Aguilar, parehong nagsilbing mayor ng lungsod sina Olivarez at Bernabe ngunit para sa kanila ay mas maganda at maayos ang naging pamamahala at pagganap sa anim na taon ni Olivarez kumpara sa siyam na taon ni Bernabe.

Sabi ng mga punong barangay, ramdam daw nila at ng bawat residente sa 16 na barangay ang malaking pagbabago sa sektor ng kalusugan, edukasyon, pabahay sa mahihirap at pag-angat ng lokal na ekomomiya simula nang naupong mayor si Olivarez.

Ang mga miyembro nga pala ng ABC sa lungsod ay sina Alex Alvarez ng Vitalez; Jenny Quizon ng Tambo; Marlyn Burgos ng Don Galo; Johnny Co ng Sto. Niño; Pablo Olivarez ng San Dionisio; at Noel Japlos, San Isidro; sa District I.  Sa District II naman ay sina Mithor Singson; Ed Caballero ng Merville; Chackie Cortez ng Sun Valley; Chona Navarro ng Don Bosco; Obet Alano ng Moonwalk at Pol Casale ng San Antonio.

* * *

Jokjok (from George Violago of Marikina City) --PEDRO: Pare, ang tanga talaga ng kapitbahay ko/JUAN: Bakit, pare?/PEDRO: Akalain mo, ang pagkakaintindi niya sa ‘LAWSUIT’ ay uniporme ng pulis/JUAN: Ay, tanga nga ‘yan, bobo pa. Eh di ba ‘yun ang sinusuot ng mga abugado?

* * *

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to itchiecabayan@yahoo.com or text 0927-7169778.