Senadora Grace Poe vs Transportation Secretary Art Tugade

September 16, 2019

KONTROBERSIYAL ang panawagan ni Senadora Grace Poe sa pagre-resign ni Transportation Secretary Art Tugade.

Una, na-wow mali si Grasya nang sabihin ni-yang walang solusyon si Tugade sa traffic dahil unang-una, hindi naman sakop ng DOTr ang trapiko. Dahil siguro narinig niya ang word na transportasyon, akala niya traffic na ang ibig sabihin.

Halatang hindi nagbabasa si Madame bago ibukas ang bibig dahil hindi niya alam na kapag traffic, MMDA at mga local government ang nangangasiwa.

Kinuyog sa social media si Madame Grasya dahil sa kanyang sablay, lalo na nang sabihin niyang under performance si Tugade. Naglabasan tuloy ang mga photo ni Madame na taimtim na nagdarasal sa simbahan pero may bitbit na isang libong photographers, cameramen at media!

Lumabas din ang mga photo ni Grasya na nagkukunwaring sumakay ng MRT pero hindi madikitan ng ibang pasahero dahil dalawang libo ang bodyguards!

Ang problema kay Grace Poe na hindi pa natin alam kung totoong Pilipino ay masyadong dinamdam ang pagkatalo sa 2016 Presidential elections. Poor 3rd na nga, nangangarap na namang maging Presidente sa 2022 na ang ginagamit na sangkalan ay si Tugade at ang misery na inaabot ng mga kababayan nating natatrapik.

Tutal ay performance din lamang naman ang u-sapan, ano na ba ang nagawa ni Madame para sa bayan maliban sa pagkabit ng poster ng tatay niya sa likod ng kanyang mga propaganda?

Sige nga aber, sagutin kaya ni Poe kung nasaan siya kapag Holy Week at Undas? Hindi kaya nagpapalamig siya at ang kanyang pamilya sa abroad sa mga panahong ito habang si Tugade ay nasa depot ng  MRT at nakatutok sa repair and maitenance ng mga tren at riles?

Tiyak na tulog pa si Madame Poe kapag si Tugade ay nadadaanan natin ng alas sais ng umaga sa ginagawang MRT 7 at common station sa North Avenue, Quezon City.

Ito naman kasi si Secretary Tugade, hindi pa tularan si Poe na palaging may angkas na sangkatutak na media kahit saan magpunta!

Gayahin nyo na kasi si Poe na kahit sa simbahan ay napapaligiran ng mga media habang nagdarasal. Alam kasi ni Poe na kaila-ngan niyang ipadala sa la-ngit ang mga pictures at video niya sa simbahan para makita ng Panginoon na mabuti rin siyang tao kahit  kilos trapoe!

Kung bakit may mga bago nang domestic airports sa iba’t ibang parte ng bansa at kung bakit may mga night flight na rin sa dating hindi nakakalipad at nakakalanding sa gabi ay dahil sa kagagawan ng walang ginagawang si Tugade.  Kaya nga maayos na rin ang Manila International Airports na dating mukhang basurahan ay dahil sa walang ginagawang si Tugade.

Baka naman kaya masyadong nakakulong si Poe sa kanyang malamig na opisina sa Senado kaya hindi niya alam na malaking porsiyento na ng MRT 7 ang natatapos at gagawin na rin ang LRT Cavite extension?

Daming pondo ng opisina ni Poe baka naman puwedeng magpalabas ka naman ng mga tao mo kung ayaw mong mainitan at mag-live video kayo sa mga constructions sites ng DOTr projects para alam nyo naman ang sinasabi nyo?

By the way, nakita nyo na ba ang social media survey na ang tanong kung sino ang dapat mag-resign? Sorry sa bad news, 90% gusto si Grace ang mag-resign at less than 5% lang si Tugade.

Kung hindi pa nababasa ni Poe ang writing on the wall, baka may problema siya sa kanyang mata!

Tutal may dugong Amerikana naman si Madame Grace Poe, bakit hindi kaya niya pag-isipan kung paano malulutas ang matinding traffic sa 104 Freeway sa Los Angeles, California dahil marami na ring nagrereklamong mga kababayan niyang Kano at Kana doon!
allanpunglo@gmail.com