Home>Editorial>Opinion>Serbisyo ng BoC-NAIA, lalo pang gaganda!

Serbisyo ng BoC-NAIA, lalo pang gaganda!

INAASAHANG lalo pang gaganda ang serbisyo ng Bureau of Customs (BoC) sa pangunahing international airport ng bansa.

Ito ay pagkatapos na buksan ng BoC ang dalawang Customer Care Centers (CCCs) sa Port of NAIA at sa CMEC (Central Mail Exchange Center) na nasa ilalim din ng pamamahala ng BoC-NAIA.

Ang NAIA-CCC ay magsisilbing one-stop shop para sa mga customs-related transactions.

Ang mga transaksyon ay kagaya ng document receiving at releasing, payment, document tracking at general stakeholder information.

Ang CMEC-CCC naman ay gagamitin sa mga parcel-related transaction gaya ng parcel tracking, shipment information at follow-ups.

Ang dalawang CCCs ay tutulong sa re-engineering ng customs systems at processes.

Ang pagbubukas ng mga CCCs ay parte ng pagpapatupad ng no-contact policy sa aduana.

Sa tingin ng marami ay malaki ang maitutulong ng nasabing policy para mawala ang korapsyon sa aduana.

The two CCCs will be manned by professional customs service officers,” ayon kay NAIA District Collector Carmelita “Mimel” S. Manahan-Talusan.

Si Collector Talusan ay anak ni dating BoC Deputy Commissioner Julie S. Manahan, kapatid ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Ang pagpapatayo ng mga CCC ay naka-align sa computerization program ng BoC.

Inaasahan ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero na maipapatupad ang mga pagbabago sa aduana bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng Saligang Batas, meron na lang 18 buwan sa puwesto si Pangulong Duterte.

Kailangang bumaba siya sa puwesto pagdating ng June 30, 2022.

Sa tingin naman ng ating mga miron, dahil sa magandang pamamalakad ay mananatiling BoC Chief si Sir Jagger hanggang sa katapusan ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.

***

Nobyembre pa lamang ay nalampasan na ng Port of Cebu ang kanilang 2020 collection target.

Nagkaroon pa ng surplus collection na P3.02 bilyon ang Port of Cebu.

Ang assigned tax take ng nasabing port sa taong ito ay P27.54 bilyon.

Sinabi ni District Collector Charlito Martin Mendoza na nalampasan din nila ang kanilang collection target sa buwan ng Disyembre.

Sa katunayan ay December 23 pa lang ay nalampasan na nila ang kanilang target na P2.55 bilyon.

Ayon kay Mendoza, ang kanyang mga tauhan ay “tirelessly putting in the extra effort this December to process and release goods without delay.”

Congrats sa inyong lahat diyan sa Port of Cebu.

***

Sa Biyernes ay unang araw na ng 2021.

Mabilis talaga ng panahon.

Sa mga masugid na mambabasa ng People’s Tonight at People’s Journal, marami pong salamat sa inyo.

Sa mga nakanti natin, sorry na lang.

Trabaho lang po at walang personalan.

Gumawa kayo ng tama at pupuriin ko kayo.

Anyway, Happy New Year in advance sa inyong lahat!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )

Publication Source :    People's Tonight